^

Pang Movies

Kean bagong magpapahirap kay Coco!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Kean bagong magpapahirap kay Coco!
Kean Cipriano

Nasorpresa ang fans ni Kean Cipriano sa pag-eksena nito sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil isa siya sa mga makakalaban ni Cardo (Coco Martin).

Ang daming naka-miss kay Kean at sa kanyang pag-arte, natural kasi ito at pagdating sa pagkokontrabida ay bagay din sa kanya. Effortless din kung mang-asar. Kasama ni Kean sa AP sina KC Montero at Marc Abaya na bagong kakampi ni John Arcilla as Renato “Buwitre” Hipolito na magpapahirap lalo sa buhay ni Cardo Dalisay.

Samantala, puro naman pasasalamat at papuri si Kean sa pagiging mahusay na katrabaho at director ni Coco Martin.

Dahil hindi lang basta artista si Kean, at isa ring musikero, gusto ng kanyang fans na gumawa siya ng kahit isang kanta para magamit na theme song sa AP.

Masaya si Kean sa bagong single ng kanilang banda na Callalily na #EyeContact na available na sa Spotify at lahat ng digital stores. Thankful din siya sa bilis ng pag-trend nito, dahilan para lalong sumikat ang nasabing kanta.

Kuntento na si Kean ngayon sa kanyang tinatamasa, lalo na sa kanyang pamilya kung saan malapit nang maging dalawa ang kanyang anak sa aktres na si Chynna Ortaleza.

vuukle comment

KEAN CIPRIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with