^

Pang Movies

Kakaibang style sa pagdidirek ni Michael V. nadiskubre ni Paolo

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kakaibang style sa pagdidirek ni Michael V. nadiskubre ni Paolo
Paolo Contis

Saksi si Paolo Contis sa pagiging creative ng comedian at director ng Family History na si Michael V.

Sa set nga lang daw kung saan nagtatrabaho sila bilang mga animator, si Bitoy pa raw ang gumawa ng lahat ng mga nakadikit sa pader na mga drawings. Pati raw ang mga clay models ay siya rin ang gumawa.

Naintindihan naman daw ni Paolo ang style ni Bitoy dahil kampante ito kapag alam niyang mga gawa niya ang nakapaligid sa eksena.

“Hindi ko nga alam na may gano’n pala siyang style. Kasi kung tutuusin, puwede namang mag-print out ka na lang ng drawings at idikit mo sa set. Pero gusto niya na siya rin ang gagawa ng mga drawings at clay models.

“Okey naman, eh kasi para mas authentic nga naman,” pagtatapos pa ni Paolo na ilang taon na rin niyang nakatrabaho si Bitoy sa Bubble Gang.

Dawn hindi na nami-miss ang kaseksihan 

Pagkatapos na mag-viral ang pinost ni Dawn Zulueta na naka-bikini siya sa Instagram bilang throwback photo, hindi na nga siya nag-post pa ulit.

Sey ng leading lady ni Michael V. sa pelikulang Family History ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment, na hindi na raw siya ulit magpo-post ng mga bikini photos niya from the ‘80s and ‘90s.“Hindi ko nami-miss, tapos na tayo sa mga panahon na ‘yan. Grumadweyt na!” sabay tawa ni Dawn.

Nakisabay lang daw si Dawn sa mga nagpu-post ng mga throwback photos nila. Isa kasi si Dawn sa desirable women sa showbiz noong ‘80s and ‘90s at usung-uso raw kasi noon ang nagpapa-pictorial na naka-bikini.

Pinuri si Dawn ng maraming netizens dahil sa kanyang edad na 50 ay alaga pa rin nito ang kanyang katawan despite having two kids na ang edad ay 14 (Jacobo) at 10 years old (Ayisha).

Sa ngayon daw ay chill lang si Dawn sa kanyang buhay. Hindi raw siya tumatanggap ng teleserye dahil mas gusto niyang mas maraming time sa kanyang mga anak lalo na at nasa edad na sila na mas kailangan niyang mabantayan ang mga ito. 

Sarah Jessica Parker nagpa-blind item sa nambastos na aktor

Nag-open up ang Sex and the City star na si Sarah Jessica Parker tungkol sa isang hindi magandang insidente noong makatrabaho niya ang isang sikat na movie actor.

Ayon sa interview ni SJP, ang naturang movie actor “who was behaving, not only inappropriately, but perhaps even I would say, they weren’t living up to contractual obligations as well.”

Hindi na binanggit ng 54-year old two-time Emmy winner ang name ng actor or ang pinagsamahan nilang project. Mabilis daw kumilos si SJP sa pag-report sa inappropriate behavior ng naturang actor.

Tumugon daw agad ang agent ni SJP sa nireklamo nito laban sa actor at mabilis daw nitong kinausap ang mga namumuno sa production ng project.

Thankful ang aktres sa #MeToo and #TimesUp movement dahil nagkaroon ng paraan ang mga babae in Hollywood today on how to cope with such a situation. 

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with