^

Pang Movies

Daniel buo ang suporta kina Kathryn at Alden

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Daniel buo ang suporta kina Kathryn at Alden
Daniel Padilla

Abot tenga ang ngiti ni Daniel Padilla nang gawan ng cover ang song niyang Nasa ‘Yo Na Ang Lahat nina Sam Mangubat, JMKO, & Justin Vasquez ng Tawag ng Tanghalan.

Tuwang-tuwa si DJ sa collaboration ng grupo kaya pati ang KathNiel fans ay full support sa kakaibang rendition ng tatlo.

Tameme ang bashers ni DJ sa pagiging singer nito, ngayong proud ang aktor na ginagawan na rin ng cover ang kanyang kanta.

Mas lalong nakaka-proud si Daniel dahil siya ang kumanta ng Laging Kasama para sa 25th anniversary ng Cinema One (C1).

In fairness kay Daniel, mahusay ang performance nito at hindi kailangang bumirit, effortless ang kanyang pagpapakilig.

Ang daming humanga sa aktor sa nasabing single, akala kasi ng iba ay hindi ito marunong kumanta.

Samantala, kahit hindi siya ang katambal ngayon ng kanyang ka-loveteam at girlfriend na si Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, buo naman ang suporta niya sa GF at sa katambal nitong si Alden Richards. Pinuntahan pa nga nito si Kathryn sa Hong Kong para kamustahin at nagpasalamat kay Alden sa pag-aalagang ginagawa nito sa nobya.

Ipapalabas na sa July 31 ang nasabing pelikula sa buong sinehan nationwide.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with