Ogie at mister ng ex-wife may bonding sa golf!
Si Ogie Alcasid sa Belfast, Northern Island.
Dumaan muna doon si Ogie bago pumunta ng London, United Kingdom para sa London Barrio Fiesta kung saan isa siya sa performers.
Sabi ni Ogie nang maka-text ko kahapon, tatlong taon na niyang naplano ang pagpunta sa Belfast. Bale magkausap sila ni Mark Morrow, husband ni Michelle van Eimeren, na magkikita doon.
Bale ‘yon talaga ang bansa ni Mark. “Yes we planned this three years ago pa kasi ngayon lang ulit dito sa country nya ang golf championship,”sey ni Ogie. “I will watch also the British open golf championship here. Second time ko na manood.”
So, nagkataon lang pala na may performance rin siya sa London Barrio Fiesta 2019.
Samantala, panay ang shows ni Ogie abroad dahil sa ASAP Natin ‘To at TFC (The Filipino Channel) dahil sa August 3 ay nasa San Jose, California siya at may San Francisco rin.“Sa September, may Guam din,” sabi pa ng mister ni Regine Velasquez-Alcasid.
Dating aktres na si Jessica Rodriguez-Bunevacz, big time sa Amerika
Alam mo, Ateng Salve, nakakatuwa nang makita ko noong Monday ang dating actress /talent manager na si Jessica Rodriguez-Bunevacz sa isang grocery store sa Beverly Hills, California.
Inihatid ni Jessica ang mag-inang Ruffa at Venice Gutierrez.
Nag-lunch kasi sila sa Wardorf Astoria na malapit lang doon. In fairmess, ang sexy pa rin ni Jessica.
Sobrang saya si Jessica nang makita ako. Kahit sobrang successful na si Jessica sa Amerika ay sobrang matsika pa rin siya at ang bait pa rin niya, huh!
Shows nina Tekla at Donita Nose mabenta sa US
Ang Laughing All The Way USA concert tour nina Super Tekla at Donita Nose na magsisimula sa Houston, Texas on August 16 at mag-e-end sa Los Angeles, California on August 25.
Marami akong mga taga-L.A. na nakausap na nakabili na ng tickets para sa show ng dalawa.
Balitang mabenta rin ang tickets sa iba pang shows nila sa Amerika.
Nagkasama sa Wowowin sina Super Tekla at Donita Nose at maraming GMA Pinoy TV fans ang gustung-gusto sa kanila. Nakakaaliw raw ang tandem ng dalawa.
- Latest