^

Pang Movies

Ruffa naimbitang mag-Bible study kasama sila Manny

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ruffa naimbitang mag-Bible study kasama sila Manny
Ruffa at Venice

Ang plano ng mag-inang Ruffa at Venice Gutierrez na dalawin si Lorin sa UCLA campus ngayong araw na ito (bale Monday sa Los Angeles, California).

Parehong dumating noong Sunday sa L.A. sina Ruffa at Venice.

Magkahiwalay sila ng flight. Si Ruffa, umaga dumating at si Venice naman, gabi na kasama ang kanyang uncle na si Elvis Gu­tierrez.

Nakapag-bonding na kahapon sina Ruffa at Lorin dahil nag-brunch sila at magkasamang nag-mall.

Nasa L.A. si Lorin para sa economic summer class sa UCLA na tatagal ng tatlong linggo.

Si Ruffa naman, dinalaw si Lorin at manonood ng boxing fight ni Manny Pacquiao against Keith Thurman on July 20 sa GMA Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Pagdating nga pala ni Ruffa sa L.A. ay nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa isang malapit kay Manny para mag-attend sa bible study sa bahay ng ating Pambansang Kamao.  Hindi nga lang natuloy ang bible study na ‘yon.

Sa Las Vegas na dadalawin ni Ruffa si Manny, pati si Jinkee Pacquiao bago ang boxing fight ng una.

Talent manager naaliw sa fake news tungkol sa alaga

Naaliw ang isang talent manager sa tsikang pumirma ang alaga niyang sexy actress/singer ng contract sa Viva Artists Agency.

Mali ang tsikang iniwan na siya ng kanyang alaga.

Ang totoo, pumirma talaga ng contract sa Viva ang sexy actress/singer, pero sa recording ‘yon.

Si talent manager mismo ang ka-deal doon ni Viva.

Solenn ready nang maging mommy!

Two days lang sa Montreal, Canada si Solenn Heussaff para sa premiere ng Misterio De La Noche movie nila ni Benjamin Alves.

Sa Fantasia Film Festival 2019 nag-premiere ang nasabing pelikula.

Kahit sandali lang sa lugar na ‘yon, nagdala pa rin ng malaking maleta si Solenn dahil baka makapag-shopping daw siya.

Maraming trabaho si Solenn kaya kailangan niyang bumalik kaagad sa bansa.

Kasama rin kasi siya sa Love You Two series nina Jennlyn Mercado at Gabby Concepcion sa GMA-7.

Balita nga pala na after ng series niya ngayon sa Kapuso network ay gusto na ni Solenn na magbuntis.

Excited na raw si Solenn at ang mister niyang si Nico Bolzico na magkaroon ng anak.

‘Yun na!

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

VENICE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with