^

Pang Movies

Kris nagpapalakas sa Japan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris nagpapalakas sa Japan!
Kris

Kris Aquino is in her fave country now and for a change, hindi niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Joshua and Bimby. Ang kasama lang niya ay ang kanyang mga staff.

Umalis si Kris patungong Japan para raw makapag-relax muna siya dahil pinaghahandaan niya ang kanyang surprise on Saturday, July 20.

“We’re taking a short trip kasi, nag-complain kayong lahat sa sobrang kapayatan ko, so aalis ng 5 nights para ma-relax, mag-try na mag-gain nang kaunti because I have a surprise for all of you which I’m super-excited for.

“We’re shooting it on Saturday, para talaga... something you’ve all been waiting for, something I’ve wanted all of you to see, and yes, pumayag na lahat and it’s gonna happen,” ang sabi ni Kris sa short video na in-upload niya bago umalis.

Sa caption ay nag-hint siya na may “reunion” na magaganap na aniya ay ipinagdasal niya.

“Thanks kuya (Josh). Thanks Bimb... for allowing me to take this trip w/ @rbchanco & @bincailuntayao. Thank you MINDSHARE & @unileverphilippines for making a “reunion” i prayed for, a reality on July 20. Bye for now. Flying to my happy place,” ang caption ni Kris.

“Super understanding to acknowledge it’s my private time, BUT turo at binilin ng Mom ko, i chose this profession & it’s the goodwill & support of the people that’s why naging comfortable ang buhay namin nila kuya josh & bimb. Gusto ko lamang mag THANK YOU. Have a good week to all,” ang caption ni Kris sa short vid niya na nasa isang restaurant sa Japan at nagpapa-picture sa kanya ang mga mga kababayan.

May mga pumuna na mukhang okay naman ang health niya ngayon at sagot niya, “I believe it’s in your attitude. Pagod na ko to make my autoimmune conditions define & confine me. i’m alive & i’m super grateful.”

Angelica, singer ang bagong karelasyon

Viral ngayon ang mystery guy ni Angelica Panganiban at nagtatanungan ang kanyang fans ngayon kung boyfriend ba niya ito.

Ipinost kasi ng guy na ito na may handle name na luck_inthev sa kanyang Instagram Stories ang larawan nila ni Angelica kung saan ay makikitang yakap-yakap niya ang aktres.

Sa caption, he stated, “hugs are important” at naka-tag si Angelica.

In fairness, ang gwapo ng guy at mukhang singer siya dahil nang tingnan namin ang kanyang IG account ay may posts siya promoting his songs.

Matagal nang wini-wish ng fans ni Angelica na sana’y matagpuan na niya ang lalaking magmamahal sa kanya at hindi na siya paiiyakin since lagi ngang failed ang kanyang mga relationships.

Kaya if ever na may bf na ang aktres, ang kanyang mga tagahanga ang unang-unang magiging masaya for her.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with