^

Pang Movies

Kathryn-Alden tsinitsismis na R18

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kathryn-Alden tsinitsismis na R18

Last Sunday evening may nagpadala sa amin ng copy ng ticket ng SM City Bacoor na magso-showing ng Hello, Love, Goodbye sa block screening sa July 31, 12:30PM.  May naka-print din sa ticket na R18. Nag-worry ang nag-post ng ticket kung paano raw nagiging R18 ang movie at sino lamang ang pwedeng manood?  Sagot namin R18 kung too sexy or very violent ang eksena na ipalalabas. Ang pwede lamang manood ay 18 years old and above.

Pero sabi namin, wala pa kaming alam na may classification na ang MTRCB sa movie at sa palagay namin, baka hindi pa buo ang movie para maipa-classify ito dahil matagal-tagal pa ang showing nila sa July 31.

Based sa trailer ng Star Cinema movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, wala namang dapat ikabahala ang fans na mabibigyan ito ng R18.

Buti na lamang, kinorek din ng nag-post ang ginawa niya, na iyong daw R18 ay seat number ng theater.

Joyce sa Baguio ikakasal

Among the Tween Academy Stars ng GMA Network na sina Barbie Forteza, Bea Binene, Joyce Ching, Jake Vargas, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio at Alden Richards, mauuna palang mag-asawa sa kanila ay si Joyce. 

Kahit pala busy na nagti-taping si Joyce ng GMA Afternoon Prime series niyang Dragon Lady, abala na rin siya sa paghahanda ng nalalapit nilang kasal ng boyfriend niyang videographer, si Kevin Alimon, na nag-propose sa kanya ng kasal last February 25, 2019. Kelan ang kasal nila?

“Sa December 8 po,” sabi ni Joyce. “Dapat po ay December 7, pero iyong church na gusto namin, hindi available, sa December 8 lamang pwede, kaya sinunod na namin.

“Somewhere in Baguio City ang wedding namin.  Mas gusto po namin doon dahil malamig, saka tahimik.”

Si Thea Tolentino raw ang magiging bridesmaid niya, pero invited daw niya ang mga kasama niya sa Tween Academy.

Hands-on sina Joyce at Kevin sa preparasyon, baka raw ang wedding coordinator sa actual wedding day na lamang.

vuukle comment

HELLO LOVE GOODBYE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with