^

Pang Movies

Panalo ni Dingdong walang reklamo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Panalo ni Dingdong walang reklamo
Marian Rivera

Sa IG Story ni Marian Rivera nito binati ng “Congratulations, Mahal” ang asawang si Dingdong Dantes na nanalong Best Actor sa The Eddys Choice. Binanggit pa ni Marian na gawa ng ini-endorse niyang Kultura Filipino ang suot na Barong Tagalog ni Dingdong.

Mahusay naman talaga si Dingdong sa Viva Films movie na Sid & Aya nila ni Anne Curtis, kaya wala kaming narinig na nagreklamo sa kanyang pagkapanalo.

Samantala, malapit nang bumalik sa Tadhana  si Marian bilang host at papalitan na niya si Dingdong na nag-pinchhit sa kanya nang siya ay manganak.

Sue at RK maingay na agad ang pelikula

Sa poster pa lang ng entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na Cuddle Weather, controversial na dahil sa buyangyangan nina Sue Ramirez at RK Bagatsing. Dinagdagan pa ng caption ni Sue na “Ang pag-ibig na hindi lang huhugot, babaon pa!” na para sa ibang nakabasa ay may double meaning.

Sa mga nag-react sa poster, ang payo sa kanila ni Sue ay “Wala pa yan kumalma ka” at ibig sabihin, marami pang mapapanood na mas grabe.

Ang Regal Enterainment at Project 8 Corner San Joaquin ni director Dan Villegas ang producers ng Cuddle Weather na siguradong pag-uusapan at magiging controversial sa mga entry sa 3rd PPP.

Arjo naging bagger ni Maine

Suportado ni Arjo Atayde ang Shop Bid Donate event ni Maine Mendoza last Sunday at sa isang video na napanood namin, makikita si Arjo na nagbubuhat ng plastic bags na naglalaman ng damit yata o iba pang bagay na ibenenta sa garage sale.

Sa isa pang video, napanood namin si Arjo na naging bagger o siyang naglalagay sa plastic bag nang mga pinamili ng taong sumuporta sa event ni Maine. May picture rin na inaayos niya ang mannequin na may suot ng ibenentang yellow gown. Hindi siya umastang bisita dahil tumulong siya.

Kung may fans na nagalit sa presence ni Arjo, may mga natuwa dahil hindi niya pinababayaan si Maine.

Nabasa pala namin ang pangalan ni Arjo na isa sa mga dadalo sa VivaCon na naka-schedule sa August 3 and 4 sa World Trade Center. Hindi Viva artist si Arjo, kaya nagtanong kami kung bakit siya pupunta?

Ang sabi, gagawa ng movie si Arjo sa Viva Films kaya siya inimbita. Ang pelikula ay ang Mi­racle in Cell no. 7 kasama sina Aga Muhlach at Nadine Lustre. Gaganap si Arjo na isa sa mga kasamang bilanggo ni Aga.

Kris gustong gayahin si Heart

Consistent si Kris Bernal dahil ‘pag tinatanong kung sino ang fashion icon niya, laging pangalan ni Heart Evangelista ang kanyang isinasagot.

Kaya laking tuwa ni Kris nang mag-comment si Heart sa isa niyang post sa Instagram (IG) dahil napansin daw siya nito. Sagot pa ni Kris, ginagaya niya ang pagiging fashionista ni Heart, pero hindi niya magaya.

Nanghinayang siguro si Heart dahil sa bago niyang Afternoon Prime sa GMA-7 na Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, hindi siya makakaawra ng husto dahil multo ang role niya.

Sa July 22, after Eat Bulaga na ang simula ng airing ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with