^

Pang Movies

Mga anak ni Dolphy, kanya-kanyang tribute sa kanyang death anniversary

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pitong taon na pala simula noong pumanaw ang nag-iisang Comedy King ng Philippine Cinema na si Dolphy noong nakaraang July 10.

Pero para sa iba ay buhay na buhay pa rin ang alaala ni Dolphy dahil sa mga lumang pelikula niyang pinapalabas pa rin sa TV.

Hindi nga naman puwedeng palagpasin ng mga anak ni Dolphy ang death anniversary ng kanilang butihing ama.

Sa mga Instagram accounts nila Eric Quizon, Nicole ‘Coco’ Quizon at Zia Quizon, may kanya-kanya silang tribute para sa kanilang yumaong ama.

“We celebrate you today not because it’s your death anniversary but because of your undying effect on everyone. We will never forget the laughter and joy you gave , the thoughtfulness and sincerest care but most of all, it is your unwavering love that we will always cherish. Until we see you again. You will always be loved my dearest Dad! #7thyear #lovedad,” post pa ni Eric na aktibo pa rin sa paglabas sa TV via Sahaya sa GMA-7.

Si Coco naman ay nagbalik-tanaw sa araw noong malaman niyang nagpaalam na si Dolphy sa kanila.

Isang mahabang poem naman ang pinost ni Zia na dedicated kay Dolphy. “legacy is much more than a plot to bury on So I carry you within me
And with me, you carry on,” bahagi ng nasabing poem.

Bea nage-eskuwela na uli!

Habang wala pang pinagkakaabalahang teleserye ang Kapuso actress na si Bea Binene, nagbalik ito sa school at nag-take up ng Professional Culinary and Pastry Arts at the Center for Asian Culinary Studies (CACS) in San Juan City.

Sa kanyang Instagram ay pinost ni Bea ang kanyang pagiging culinary student.

“I’ve always wanted to try culinary. And now, I’m finally enrolled at @cacsmanila!!,” caption pa ni Bea.

Nakatapos din ng Film course sa Meridian International College (MINT College) in Taguig si Bea. 

Huling napanood sa teleserye na Dragon Lady si Bea bilang ang batang Diana Zubiri. Weekly naman napapanood si Bea sa kanyang Happy News segment sa news program na Good News kasama Si Vicky Morales.

Ed Sheeran gusto nang maging tatay

Inamin na ng singer na si Ed Sheeran ang kanyang pagpapakasal sa fiancé of three years na si Cherry Seaborn.

Sa gitna ng kanyang promotion para sa bagong album na No. 6 Collaborations Project, ni-reveal na ni Sheeran ang matagal nang iniiwasan niyang question kung nagpakasal na ba sila ng kanyang fiancé na si Cherry.

Ginawan pa raw ni Sheeran ng song ang kanilang pagpapakasal titled Remember The Name.

Noong December 2018 pa nabalita na kinasal si Ed at Cherry in Suffolk, England.

Nasabi na rin noon ni Ed na gusto na niyang maging isang dad.

 

vuukle comment

DOLPHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with