^

Pang Movies

Alden at Sandara mina-match ni Joross!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Tigas na tanggi ni Joross Gamboa sa tsikang siya ang source na may something sina Alden Richards at Winwyn Marquez na agad pinaniwalaan dahil naging close sila ni Alden sa shooting ng Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema.

Tanong ni Joross sa mga reporter na nakausap sa Grand Launch ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino, “bakit ako? ano ang kinaalaman ko dyan?” saka sinundan ng tawa.

Sagot ng mga reporter, siya raw ang nagtsika na binanggit ni Alden ang pangalan ni Winwyn sa isang kuwentuhan. Hindi na nag-elaborate si Joross kung paano nasingit ang pangalan ni Winwyn at ang alam niya, friends nga lang ang dalawa.

Madadagdagan ang magagalit na fans kay Joross dahil nag-agree sa suggestion ng isang reporter na dahil parehong loveless sina Alden at good friend niyang si Sandara Park, bakit hindi niya pagtagpuin ang dalawa? Magandang idea raw ‘yun at baka gawan nga niya ng paraan.

Anyway, nasa grand launch ng 3rd PPP si Joross dahil may special participation siya sa I’m Ellenya L. na first directorial job ni Boy 2 Quizon at produced ng Spring Films Cobalt Entertainment at N2 Productions ni Neil Arce.

Tatakbo mula September 13 to 19 ang 3rd PPP, kaya mauuna ang showing ng Hello, Love, Goodbye na showing sa July 31 sa direction ni Cathy Garcia-Molina.

Inigo at Maris parang hindi nag-break.

Friends na nga lang ba ang mayroon sa dating magkarelasyon na sina Inigo Pascual at Maris Racal? Magkasama ang dalawa sa pelikulang I’m Ellenya L. na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Dumalo ang dalawa at magkatabi pa ng upuan. Mapapansin pa rin na close ang isa’t isa. Sweet pa rin si Inigo kay Maris na pinapauna niya pang paupuin.

Napansin lang na after ng grand launch, mag-isa na lang lumabas ng venue si Maris, nauna siyang lumabas ng Sequoia Hotel at mag-isang ininterbyu. Naiwan si Inigo na nakipagkuwentuhan pa yata sa mga kaibigan niya.

Ang maganda lang sa dalawa, kahit wala na yata silang romantic relationship, puwede pa rin silang magtrabaho. Gaya nga rito sa pelikulang I’m Ellenya L, walang naging problema sa kanila si director Boy 2 Quizon.

Liza maraming binitin!

Hindi na namin nahintay si FDCP Chair Liza Diño-Seguerra na matapos ang grand launching ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino para matanong na kaya raw hindi naipatupad ang napirmahan ng pagbabago ng opening day ng mga pelikula dahil hindi suportado ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines.

Kung hindi suportado ng CEAP ang ginawa ng FDCP, bakit may pirmahang naganap at sino ang pumirma sa side ng CEAP? Saka, bakit may lumabas na press release na nalipat na sa Friday ang opening ng mga pelikula?

Kaya raw kahit nagkapirmahan na ang paglipat ng opening ng mga pelikula, Wednesday pa rin (July 24 at July 31) ang showing ng Family History at Hello, Love, Goodbye.

Heto pa, ang CEAP kasama ang film produ­cers ang may gusto na magkaroon ng dalawang MMFF at kay Sen. Bong Go nila ito inilapit. Ano ang mangyayari sa Pista ng Pelikulang Pilipino eh, friends pa naman sina Sen. Bong at FDCP Chair Liza.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with