^

Pang Movies

Aktres nagtalukbong ng kumot sa eroplano nang may gustong magpa-picture

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Hirap talagang maging celebrity.

May isang friend kasi ako na nagkuwento sa akin na nakasabay niya sa isang flight ang isang sikat na aktres na may equally famous actor-boyfriend.

May isang co-passenger daw sila na pinuntahan si aktres sa business class section at nag-ask na makapagpa-picture dito.

Ang ginawa raw ni aktres, nagtalukbong ito ng kumot.

Sa madaling salita, tumanggi ito.

Sabi ko sa friend ko na nasa business class section din ng plane, baka wala lang talaga sa mood si aktres.

Or baka naman gusto na talaga ni aktres na magpahinga?

“Pero sana tumanggi na lang siya kesa naman nagtalukbong na lang siya ng kumot!” sey naman ng friend ko.

Well...

Sylvia pangarap magkaroon ng music box

Video ng anak niya na may hawak ng music box ang pinost ni Sylvia Sanchez sa kanyang social media account.

Sabi ng aktres, bata pa raw siya ay pangarap na niya ang magkaroon ng music box.

Nang makatsikahan ko kahapon si Sylvia, pinangakuan ko siya na hahanapan ng rare music box sa ilang thrift shops sa Los Angeles, California at natuwa siya.

In fairness, mababaw lang ang kaligayahan ng premyadong aktres.

Pinky nagpasaya na naman ng matatanda

Ang 50th birthday celebration ng philanthropist/businesswoman na si Pinky Tobiano sa DSWD Haven for the Elderly sa Tanay, Rizal noong Thursday.

Nasa event na ‘yon sina Moira, Erik Santos, Thor at Jaya.

Kinantahan nila ang mga lolo’t lola sa nasabing lugar.

Sobrang thankful si Pinky sa apat na nag-perform sa kanyang birthday charity event.

Kilalang-kilala si Pinky sa showbiz world dahil napakarami niyang mga kaibigang singers, stars, producers, mana­gers at iba pa.

BFF ni Manay Lolit Solis si Pinky.

Mister ni Pinky si Juanch Robles na official tabulator/auditor ng EDDYS Awards Night ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors). (Happiest birthday again Pinky. - Salve)

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with