^

Pang Movies

Puro papuri lang ang puwede Jinkee may taga-bura ng mga nakaka-bad vibes na comment?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Puro papuri lang ang puwede Jinkee may taga-bura ng mga nakaka-bad vibes na comment?!
Jinkee Pacquiao

Bawal ang mga nega o bad vibes kay Jinkee Pacquiao.

Kaya obvious na may taga-bura siya sa mga pahayag ng bashers. Sabi nga ni Jinkee sa post niya kahapon, “Life is good. Small things make me smile; Good people make me laugh; and an amazing God keeps me Blessed.”

Na inulan ng maraming like pero walang nagko-comment. Samantalang meron siyang 1.2 million followers.

Actually, kahit sa ibang post niya, walang masyadong comment. Kung meron man, pulos lang papuri at nakaka-good vibes.

Well, bakit pa nga naman siya maghahanap ng bad vibes samantalang habang naghihintay siya sa laban ng mister na si Sen. Manny Pacquiao kay Thurman, shopping, pasyal, kain, chill etc. etc. ang ginagawa niya sa Los Angeles kasabay ng pagti-training ni Pacman na pino-post niya sa kanyang Instagram account.

Katuwiran din niya sa isa pa niyang post : “Don’t let the enemy tell you things aren’t going to change. No matter what, in an instant, God can turn it around. 1 Peter 5:8-9 NLT
[8] Stay alert! Watch out for your great enemy, the devil. He prowls around like a roaring lion, looking for someone to devour. [9] Stand firm against him, and be strong in your faith. …”

Anyway, sa July 21 (Manila time) na ang laban ni Pacman kay Thurman na gaganapin sa MGM Grand Garden Arena.

Ten years ang gap nina Pacquiao and Thurman kaya inaabangan ang laban.

Bitoy nag-lecture ng TV writing and filmmaking sa mga taga-Cagayan

Successful ang pagpunta nina Michael V. at Dawn Zulueta sa Cagayan de Oro nitong Biyernes to promote their highly-anticipated drama comedy film, Family History. Maaga ang naging simula ng activities nila via GMA Regional TV’s Masterclass series na ginanap sa Centrio Mall. Dito ay naibahagi ni Bitoy sa mga taga-Cagayan de Oro ang kanyang kaalaman pagdating sa TV writing at filmmaking. Sa hapon naman ay nakisaya sina Bitoy at Dawn sa kanilang Kapuso Mall Show. Marami sa mga nagpunta rito ang excited na ring mapanood ang movie nina Bitoy at Dawn.

Mula sa GMA Pictures at Mic Test Entertainment, ang Family History ay mapapanood na simula July 24!

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with