^

Pang Movies

PPP official entries napili na Sue at RK umaatikabo ang yugyugan sa PPP Entry!

Debbie Castillo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pawang magaganda ang mga trailer ng mga pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 3 na proyekto ng Film Development Council of the Philippines headed by Liza Diño.

Lumitaw ang halos lahat ng mga artista na may entry sa nasabing film festival kaya naman ramdam na ramdam na uli ang sigla ng pelikulang Pilipino.

Pinaka-umagaw ng pansin ang mga entry nina Sue Ramirez at RK Bagatsing na Cuddle Weather kung saan may umaatikabong bed scenes ang dalawa. Marami nga ang natawa dahil sa said event ay buong pagmamalaking sinabi ni Sue na wala siyang bra dahil nagpapaka-Adela raw siya na siyang character niya sa Cuddle Weather. Sa said film kasi ay pokpok pareho ang role ng dalawa na para kay Sue ay dream come true dahil isa raw ito sa mga role na takot siyang gawin pero nagawa nga niya with flying colors.

Ayon sa director ng movie na si Rod Marmol, maraming ibig sabihin ang salitang pok-pok dahil pwede rin itong gamitin ng mga taong nagtatrabaho gamit ang kanilang katawan – literally.

Napahagalpak naman sa katatawa ang mga dumalo sa event nang ipasilip ang Panti Sisters nina Christian Bables, Martin del Rosario, at Paolo Ballesteros. Proud na sinabi ng direktor nila na si Jun Lana na walang-wala pa raw ang mga laugh trip moments na iyon sa kabuuan ng pelikula. Marami ang nagkokomento na pwedeng-pwede na raw tapatan nito ang mga pelikula ni Vice Ganda na siyang naghahari tuwing Metro Manila Film Festival.

Samantala, halo ang reaksyon nang ipalabas ang trailer ng Open na tinatampukan nina JC Santos at Arci Muñoz na produced ng T-Rex Entertainment. Ang pelikula ay tungkol sa “open relationship” na hindi masyadong tinatalakay sa bansa kaya tiyak na panonoorin ito ng mga curious tungkol sa nasabing set up. Busog din sa love scenes ang Open na tiyak na aabangan ng manonood.

Ang ilan pang entries ay ang G! ng Cineko Productions starring McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles, Kid Yambao with Kira Balinger, LSS (Las Song Syndrome) na first time pinagsasamahan ng real now reel loveteam na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos under Globe Studios, I’m Ellenya L. nina Maris Racal at Inigo Pascual under Spring Films, N2 Productions & Cobalt Entertainment at Watch Me Kill nina Jean Garcia at Jay Manalo by CineBandits Entertainment.

Mahigit na 600 na pelikula ang pinagpilian ng Selection Committee kaya nakasisigurong magaganda ang mga napili.

vuukle comment

PISTA NG PELIKULANG PILIPINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with