^

Pang Movies

Kathryn naaning nang hindi makita si Daniel!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kathryn naaning nang hindi makita si Daniel!
Daniel Padilla

Binawalan ding makipag-usap, umiiyak every night

Aminado si Kathryn Bernardo na naaning siya habang nasa Hong Kong at nagso-shooting ng pelikula nila ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye.

As in muntik na raw niyang layasan si Direk Cathy Garcia-Molina at lumipad pabalik ng Pilipinas.

Bukod pa sa gabi-gabi siyang umiiyak, gusto na niyang magpa-book pabalik ng Pilipinas dahil sa hirap na dinaranas.

First time rin niyang nahiwalay kay Daniel Padilla ng isang buwan kaya naman talagang malaking adjustment daw ang ginawa niya. Sa actor lang siya nakakapaglabas ng mga dinaranas niyang hirap sa shooting. “Kausap ko siya every night so nakikita niya kung anong nangyayari sa akin. Kaya ‘di rin siya nakakatulog dito kasi nag-aalala siya sa akin,” kuwento pa ni Kathryn.

Pero ang pinaka the height ay ang pinagbawalan siyang makipag-usap sa staff at  kumpiskahin ang telepono niya. Eh ang gusto ni Daniel lagi siyang updated sa ginagawa niya. Naalala ni Kathryn na galit na galit siya. “Kasi yun na lang yung way ko, yung taong nakikinig sa akin, yung nakikipag-usap sa akin,” pag-alala niya.

Hanggang bumiyahe pa si Daniel sa HK pero kailangan siyang itago ni Direk Cathy dahil mabibigat na eksena ang kukunan nila ni Alden that time. Kaya nang payagan na silang magkita, napatili sila pareho.

Hanggang pinaliwanag niya sa boyfriend  na ‘tiwala’ lang ang kailangan nila.

At naintindihan naman daw ni Daniel kaya naging kampante ito lalo na nang makilala nito si Alden.

Wala namang naging problema sa ganito si Alden dahil common knowledge na wala siyang girlfriend.

By the way, showing na sa July 31 ang Hello, Love, Goodbye.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with