^

Pang Movies

Kris pakakasal na sa non-showbiz BF?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris pakakasal na sa non-showbiz BF?!

Hindi ako naka-attend sa presscon ng Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko ng GMA-7 na starring sina Megan Young, Kris Bernal, Kim Domingo at Rayver Cruz.

Maganda ang premise ng istorya ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, parang never ending love o forever passion ng isang tao sa kanyang minamahal.

Kung nakadalo ako sa presscon ng Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, natanong ko sana si Kim Domingo kung talagang break na sila ni Michael Acuña, ang boyfriend niya na basketball player.

Natanong ko rin sana si Kris kung totoo na malapit na siya na ikasal sa kanyang non-showbiz boyfriend.

May tsismis din na magpapakasal na rin sina Megan at Mikael Daez pero hindi rin nakarating ang former beauty queen sa presscon ng upcoming suspense drama series ng Kapuso Network.

Siyempre, wala pa sa isip ni Rayver na pakasalan ang kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez dahil mauunang ikasal sa December 2019 ang kapatid niya na si Rodjun at ang fiancée nito na si Dianne Medina.

Mayor Isko aayusin ang Manila Zoo

Melancholic ang dating sa akin nang ipakita sa isang television news program ang Manila Zoo.

Natatandaan ko na high school student ako nang buksan ang Manila Zoo at isa sa mga pinapangarap ng mga batang Maynila ang makapunta doon.

Parang magic sa mga mata namin na makakita ng elephant, lion, tiger at giraffe. Takot na takot naman kami habang nakatingin sa mga python sa glass cage.

At ang yabang-yabang namin sa school dahil napuntahan at nakita namin ang iba’t-ibang mga hayop sa Manila Zoo na napakaganda noon.

Legacy nina dating Manila City Mayor Arsenio Lacson at Ramon Bagatsing ang Manila Zoo na isang patunay na puwede tayong sumabay sa ibang mga bansa na may sariling zoo.

Sana nga malinis at maayos uli ni Mayor Isko Moreno ang Manila Zoo. Para sa akin, tama ang desisyon niya na ang mga makukuha na mga karne at manok mula sa mga hindi nagbabayad, ibigay bilang pagkain ng mga hayop sa Manila Zoo.

How I wish the kids of today can enjoy the beauty and the wonder of seeing live animals they can only see in books. Clean it up Mayor Isko, please, don’t sell Manila Zoo. Ayusin at gawin uli na pasyalan ng lahat, hindi lamang ng mga Manileño.

vuukle comment

KRIS BERNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with