^

Pang Movies

Derrick nagbago ang lifestyle sa Rak of Aegis

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Derrick nagbago ang lifestyle sa Rak of Aegis
Derrick Monasterio

Pinaghandaan ng husto ni Derrick Monasterio ang unang paglabas niya sa stage musical na Rak of Aegis.

Bukas ang unang paglabas niya sa show kaya kahit kinakabahan siya, tinodo na raw niya ang pag-rehearse para sa role niya as Tolits. “Last week almost every day kami nagre-rehearse, 2:00 p.m. to 10:00 p.m. Nakakapagod pero masaya.

“Maaga na ako natutulog ngayon. And pag-gising ko, vocalize talaga. Hindi na rin ako masyadong nagso-soda at nagmamalamig na tubig,” sey pa ni Derrick na sinasabayan pa niya ng cardio exercises para maayos ang breathing niya.

Malaking leap daw ito for Derrick mula sa pag-arte sa pelikula at TV. Iba raw ang stage dahil hindi ka raw puwedeng magkamali.

“Kaya bago sumalang sa stage, hinga lang nang malalim ng maraming beses tapos magdasal. Tsaka magtiwala ka sa kakayahan mo,” pagtatapos pa ni Derrick Monasterio.

Shawn Mendes at Camila Cabello totohanan na

Mukhang nauwi na sa totohanang romance ang pagsasama ng singers na sina Shawn Mendes at Camila Cabello.

Ilang beses na kasing nakikita ang dalawa na magkasama, na ang latest ay  sa isang booth ng Kitchen24 in West Hollywood.

Limang taon nang magkakilala sina Shawn at Camila. Una silang nag-meet sa concert tour ni Austin Mahone kung saan sila ang opening act. Hanggang sa magsimula na silang mag-date nitong 2019 lamang dahil sa ginawa nilang music video titled Señorita.

Magkasama nga ang dalawa noong nakaraang Fourth of July party in Nobu. Nakunan pa ng video ang dalawa na very sweet at nasa edge ng infi-nity pool at sa balcony ng hotel room nila.

vuukle comment

DERRICK MONASTERIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with