^

Pang Movies

Maine at Boy Abunda magsasama!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine at Boy Abunda magsasama!
Boy Abunda

Ilang araw nang usap-usapan na iiwanan na ni phenomenal star Maine Mendoza ang longest-running noontime show, ang Eat Bulaga, kung saan siya unang napanood at nakilala kaya siya tinaguriang ‘phenomenal star’ kasama na ang pagkakilala sa kanila as a phenomenal loveteam ni Alden Richards at tinawag silang AlDub.

Naiintriga nga si Maine, lalo na ng kanyang bashers, sa paglabas ng picture nila na magkasama sila ng beteranong talk show host ng ABS-CBN, si Boy Abunda. Kasama pa sa intriga si Alden, dahil naunahan pa raw ma-interview ng talk show host si Maine kaysa kay Pambansang Bae samantalang may ipalalabas itong movie, kasama si Kathryn Bernardo sa Star Cinema, ang Hello, Love, Goodbye na dinirek ni Cathy Garcia-Molina at magso-showing na worldwide simula sa July 31.

Anyways, ang sinasabing interview ni Boy kay Maine, balitang para sa isang endorsement na ginawa nila at mari-reveal na bukas kaya abangan na raw lamang kung ano ang endorsement na pinagsamahan ni Maine at Boy, at hindi interview para sa talk show ni Boy sa ABS-CBN. Siguro, mapapanood si Maine sa show ni Boy, kapag pumasok na ang ads sa said endorsement.

Child star na kasali sa serye nina Rayver, Megan at Kris, may third eye

Nakakatuwa ang child star na si Euwenn Mikael Aleta sa mediacon ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko. Naiintindihan niya ang itinatakbo ng mediacon ng  kanilang serye ay tungkol sa nagmumulto. Nang tanungin si Euwenn kung may nakikita siya sa set ng serye nila, ang sagot niya, “meron po.” May third eye raw pala ang bagets, sabi ng ilang press na nandun.

Kaya tanong kay Euwenn, may nakikita raw ba siyang multo sa venue ng mediacon. Sagot niya: “wala po kasi maraming tao.”

Sa July 22 na ang world premiere ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko pagkatapos ng Eat Bulaga, at mapapanood from Mondays to Saturdays sa GMA-7.

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with