^

Pang Movies

Willie pinag-shopping na naman ang staff

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Willie pinag-shopping na naman ang staff
Willie Revillame

Natuwa na naman si Willie Revillame sa staff ng Wowowin kaya ipinag-shopping niya noong isang araw ang kanyang loyal staff.

As usual, dinala ni Willie sa Louis Vuitton store ang mga empleyado ng Wowowin na tuwang-tuwa dahil ibinili sila ng kanilang Kuya Will ng favorite LV bags nila.

Marunong mag-appreciate si Willie sa good work ng staff ng Wowowin na patuloy na humahataw sa ratings kaya may time siya na ipag-shopping ang kanyang mga tauhan.

Hindi lang ang staff ni Willie ang nakakaranas ng generosity nito dahil pati ang kapwa artista, natikman ang pagiging generous niya.

Unforgettable kay Janno Gibbs nang makasalubong niya si Willie sa isang mall. Naloka si Janno dahil nag-insist si Willie na bigyan siya ng jacket sa kanilang chance encounter noong nakaraang buwan.

Kim pinagpapantasyahan na ulit

Marami ang natuwa nang aminin ni Kim Domingo na hiwalay na sila ng kanyang former live in partner at boyfriend na si Mike Acuña.

Nabuhayan ng pag-asa ang matagal nang pantasya si Kim dahil may chance na sila na ligawan ang sexy star na starring sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Ngayong single na uli si Kim, may mga nagtataka kung may plano pa siya na magpaseksi sa TV at pelikula.

May mga project na tinanggihan noon ni Kim dahil required siya na magpaseksi. Hindi tinanggap ni Kim ang mga offer dahil in love na in love nga siya noon sa kanyang boyfriend.

Sexy ang image na ipino-project ni Kim pero sa tunay na buhay, conservative pala siya kaya lalong naiintriga sa kanya ang mga mhin.

Misis ni George Clooney hindi first time sa Pinoy

Ang asawa pala ni George Clooney na si Amal ang isa sa mga legal counsel ni Maria Ressa.

Si Amal at ang ibang mga international legal team ang magtatanggol kay Maria sa patong-pato na kaso na kinakaharap nito sa Pilipinas tulad ng tax evasion at cyberlibel.

Hindi ito ang first time na nagtanggol ng isang Pinoy si Amal dahil siya rin ang abogado noon ni former President Gloria Macapagal Arroyo.

Sa mga hindi nakakaalam, minsan nang bumisita si Amal sa Pilipinas at nangyari ito noong December 2013.

Aktor todo kayod, dolyares ang sustento sa pamilya

Hindi pala dapat nawawalan ng mga movie at television assignment ang isang aktor dahil siya ang breadwinner ng pamilya. Nag-iisip ngayon ang aktor ng negosyo na maganda ang kita dahil tanggap niya na hindi stable job ang pagiging artista.Nagtatanong-tanong na ang aktor sa kanyang mga kaibigan tungkol sa negosyo  at bongga na investment.

US-based ang pamilya ng aktor na breadwinner kaya in US dollars ang sustento na ipinadadala niya.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with