K at Angeline may tapatan!
Nagsanib-puwersa ang reyna ng teleserye themesong na sina Angeline Quinto at ang the Ultimate Entertainer na si K Brosas sa concert na kanilang gagawin, ang Angeline K ‘To sa Araneta Coliseum ngayong Biyernes.
Handa si Angeline sa kantahan, pero hindi rin patatalo si K, pero ngayon pa lang ay ninenerbyos na si Angeline sa pakikipagsabayan kay K, kilala kasi itong brutal sa kanyang tactics sa pagkanta.
Samantala, bilang patunay na hindi patatalo si Angeline kay K, inunahan niya ito na i-prank kung saan mapapanood sa kanyang YouTube Channel. Hinala ng fans na gaganti si K, pero sa mismong concert na, kaya inaabangan na ito.
Pangako nina Angeline at K, bobonggahan nila ang gagawin nila para hindi masayang ang kanilang panonood.
Napapaisip naman ang fans, na baka mamaya ay kung anu-anong kabastusan ang sabihin ni K, bilang ito ay isang stand up comedienne sa isang comedy bar. Pero ayon sa kanya, babantayan daw niya ang kanyang mga sasabihin.
- Latest