^

Pang Movies

Aktres na diva-divahan, binubusog ang staff and crew ‘pag guilty sa paninigaw

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Uy diva-divahan talaga pala ang attitude ng isang actress pag nasa taping.

As in pag naiinis daw hindi niya napipigilan. Walang kontrol at naninigaw.

Bukod dun, minsan daw wala itong pakialam kahit siya na lang ang kulang sa set.

Tinatalakan din daw nito kahit make up artist pag ayaw ang ginawa sa kanya.

Pero may pambawi naman daw ito.

Pag alam niyang guilty siya, nagpapakain si actress sa taping. As in talagang binubusog niya raw ang lahat ng tao sa taping - staff and crew.

Kaya madali ring napapatawad ng mga kasama niya sa taping ang actress na madaling mainis.

Sikat pa rin ang actress at ‘yun na raw talaga ang habit nito sa trabaho pero marami rin daw buwisit dahil nga sa kakaibang attitude.

Daniela tutulong sa DOT

Iikot na sa buong Pilipinas si Daniela ng Kadenang Ginto.

Yes, ang sikat na character ni Dimples Romana na si Daniela ay makikipag-collaborate na sa Department of Tourism.

Nakipagkita na siya kay DOT Sec. Berna Romulo-Puyat para makatulong sa pagpo-promote ng mga lugar na hindi pa masyadong na-e-explore.

Viral hanggang ngayon si Daniela na naka-red dress habang may hilang maleta.

Kung saan-saan na siya nakarating at  kung sinu-sino na ang nakasama dahil madaling e-edit.

Actually parang tinalbugan niya nga sa nasabing mga meme si Beauty Gonzales.

Robin papasok na rin sa military

Papasok na rin pala sa military training si Robin Padilla ayon sa kumalat na story ng Philippine Army kahapon.

Aspiring reservist pa lang ang tawag sa kanya meaning hindi nag-uumpisa ng training.

Dumalaw si Robin sa Sulu the other day para sa isang youth forum base sa kanyang post.

 Si Matteo Guidicelli ang unang nagtapos ng  30-day Scout Ranger training sa Bulacan.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with