^

Pang Movies

Disney star na si Cameron Boyce, namatay habang tulog

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Disney star na si Cameron Boyce, namatay habang tulog
Cameron Boyce

Ikinagulat ng marami ang biglaang pagkamatay ng Disney star na si Cameron Boyce.

Nakilala ang 20-year old actor noong child star pa lang ito sa horror film na Mirrors at sa action film na Eagle Eye both shown in 2008. Gumanap din siya bilang anak nina Adam Sandler at Salma Hayek sa comedy na Grown Ups and Grown Ups 2.

Nagbibida na si Cameron sa Disney series na Jessie at sa made-for-TV musical na Descendants.

Ayon sa pamilya ng young actor, may ongoing medical condition si Cameron na siyang naging dahilan ng pagkamatay nito habang natutulog.

Heto ang official statement ng pamilya ni Cameron:

“It is with a profoundly heavy heart that we report that this morning we lost Cameron. He passed away in his sleep due to a seizure which was a result of an ongoing medical condition for which he was being treated.

“The world is now undoubtedly without one of its brightest lights, but his spirit will live on through the kindness and compassion of all who knew and loved him.

“We are utterly heartbroken and ask for privacy during this immensely difficult time as we grieve the loss of our precious son and brother.”

Bukod sa pagiging aktor, abala rin si Cameron sa kanyang humanitarian work na Thirst Project. Ang layunin ay ang magdala ng malinis na tubig sa ilang underdeveloped countries. Tumulong siyang mag-raise ng higit na $27,000 para sa naturang project.

Kakai 2 years nang naghihintay sa ginawang launching movie

Umaasa pa rin ang comedienne-singer na si Kakai Bautista na maipapalabas ang launching film niya na may title na Miss Q&A na dinirek ni Lem Lorca.

Noong 2017 pa raw natapos ang movie, pero ang naging problema raw ay ang isa sa kanilang producer na nag-backout.

Nagkaroon pa ng search para sa magiging leading man ni Kakai sa Miss Q&A movie noong 2016. Si Zoren Legaspi ang napili at na-shoot na raw nila ang buong movie. “Pero kahit na two years old na yung movie, puwede pa yung story. Wala naman siyang time element. Puro kakiyemehan lang naman yung buong pelikula!” malakas na tawa pa ni Kakai.

Thankful naman si Kakai na sunud-sunod ang mga trabaho niya. Karamihan daw ay shows sa iba’t ibang bansa ang kanyang ginagawa. Binalita rin ni Kakai na join pa rin siya sa musical na Rak Of Aegis.

Kanta ni RJ naka-1-M na sa Spotify

Tatlong buwan pagkatapos i-release ang kanyang second single titled Sana Hindi Na Lang Kita Minahal, nagpapasalamat ang Star Music artist na si RJ Agustin dahil sa higit na 1 million streams na nakuha ng kanyang single sa Spotify noong nakaraang July 1.

 Ayon kay RJ, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa suporta na natanggap ng kanyang second single.

vuukle comment

CAMERON BOYCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with