^

Pang Movies

Flat at maitim daw, puwet ni Lovi pinagdiskitahan ng bashers

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Flat at maitim daw, puwet ni Lovi pinagdiskitahan ng bashers
Lovi Poe

Ang pagdedepensa kay Lovi Poe ng nagpakilalang tumutulong sa aktres na ma-maintain ang makinis na complexion sa mga nang-okray kay Lovi dahil sa post na naka-shorts at maitim ang may butt area nito.

Sabi nang dumepensa kay Lovi, even ang skin color si Lovi at kahit singit nito ay pantay ang kulay. Mahihiya raw ang mga basher dahil baka mas makinis pa ang singit ni Lovi sa mga mukha nila. Shadow lang ng picture, kaya maitim tingnan.

May hanash pa ang bashers na kesyo walang puwet at walang balakang si Lovi, na losyang na ang aktres dahil lang sa litrato nitong naka-shorts.

Nababasa ni Lovi ang mga comments ng netizens at tiyak na pinagtawanan lang nito ang mga comment. May puwet man o wala si Lovi, maganda pa rin siya at kayang mag-travel nang mag-travel at hindi muna magtrabaho.

Sa July 14, time out muna si Lovi sa pagiging jet setter dahil magkasama sila ni Dennis Trillo na magpapasaya sa mga kababayan natin sa Singapore sa Sinagtala 2019: A Grand Ce-lebration of Filipino Culture, 9am to 6pm., sa Scape Ground Theater 2 Orchard Link.

Derek at Andrea may lampungan sa ilalim ng tubig

Ang sagot ni Derek Ramsay na “no regrets” sa followers niya na nag-comment ng nalulungkot siya (ang follower) na hinayaan ni Derek na mawala sa kanya ang ex-GF na si Joanne Villablanca. Sabi kasi ng netizen, sana hindi pagsisihan ni Derek ang ginawa, kaya ganu’n ang sagot ng aktor.

Anyway, after Dubai, dumeretso si Derek sa London, kaya may mga nabasa kaming Pinay na magpapaalam sa kani-kanilang trabaho para ma-meet si Derek. Ikinatuwa rin ng mga kababayan natin na sumasagot si Derek sa mga tanong nila.

Anyway, nagpasalamat si Derek sa mga sumusubaybay sa The Better Woman nila ni Andrea Torres. Nakakatuwa ang mga comment na kahit late na ang airing ng teleserye sa bansa kung nasaan sila, inaabangan pa rin nila para lang makita si Derek.

Inaabangan na ang love scene nina Derek at Andrea sa cabana at ang underwater scene nila na hindi pa nakukunan ni director Mark dela Cruz.

Kakai naglagare sa dalawang pelikula

Ang biro ni Kakai Bautista na napagod siya dahil halos sabay niyang ginawa ang mga pelikulang Family History nina Michael V at Dawn Zulueta at Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Magkasunod din ang showing ng nasabing pelikula, mauuna ang showing ng Family History sa July 24 at sa July 31, ang showing ng Hello, Love, Goodbye. Lagare rin si Kakai sa mall shows at sa TV promo.

Present din sa mediacon ng dalawang pelikula si Kakai. Nauna ang mediacon ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment ng Family History  at bukas, Mediacon ng Hello, Love, Goodbye.

Mahusay na komedyante si Kakai at magaling pang singer, kaya ang mga kagaya niya ay hindi mauubusan ng projects.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with