^

Pang Movies

Batang nang-api kay Ryzza Mae, naglaho

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Batang nang-api kay Ryzza Mae, naglaho
Ryzza Mae Dizon

Marami ang naintriga sa sinabi ni Joey de Leon na may nang-alipusta kay Ryzza Mae Dizon nang sumali ito sa Little Miss Philippines noong 2012.

Isang mestiza at suplada na bata na contestant din noon ng Little Miss Philippines 2012 ang nang-okray kay Ryzza Mae dahil tinawag ito na monster.

Nag-boomerang sa supladitang bagets ang pang-aapi niya kay Ryzza Mae dahil ito ang nanalo na Little Miss Philippines noong 2012 at hanggang ngayon, active pa rin sa showbiz.

Naintriga ang mga nakapanood sa kuwento ni Papa Joey dahil gusto nilang malaman ang identity ng bagets na nang-api noon kay Ryzza Mae. Sure ang lahat na teenager na rin ang bagets dahil halos magkasing-edad sila ni Ryzza Mae.

Mabuti na lang, lumaki na mabait at marespeto na bata si Ryzza Mae na hindi nagpaapekto sa bullying na naranasan niya sa kamay ng kapwa bata.

Ang sabi nga ni Maine Mendoza, “Nasaan siya ngayon at nasaan ka nga­yon?” in defense of Ryzza Mae.

DOTS nasa Netflix na rin

Biglang ipinalabas sa Netflix ang Descendants of the Sun kaya ang feeling ng fans, sinadya ito dahil mainit na pinag-uusapan ang paghihiwalay nina Song Joong-ki at Song Hye-ko.

In fairness, marami pa rin ang nanonood ng original version ng Descendants of the Sun as in hindi sila nagsasawa na panoorin ang teleserye na malaki ang kinalaman kaya nagkaroon ng relasyon ang Song Song couple pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Pero kahit napapanood sa Netflix ang Descendants of the Sun, looking forward pa rin ang Pinoy fans na mapanood ang Philippine adaptation ng sikat na Koreanovela.

Mommy D nag-iba ang hitsura

Bothered ang fans dahil ang feeling nila, may nagbago sa physical appearance ni Dionisia Pacquiao, ang karakter na nanay ni Senator Manny Pacquiao.

Wala akong nakikita na mali kung sakali na nagkaroon ng changes sa pisikal na kaanyuan ni Mommy D dahil karapatan niya na lalong pagandahin ang sarili. Carry naman ni Mommy D na pumunta sa mga beauty skin clinic dahil may datung siya.

Lumipad na si Mommy D sa California noong nakaraang linggo dahil panonoorin niya ang laban ng kanyang anak kay Keith Thurman sa July 21 sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada.

Sa tuwing may laban si Papa Manny, ang mga eksena ni Mommy D ang inaabangan ng lahat dahil bigay na bigay siya sa pag-cheer sa kanyang anak. Hindi nawawala ang orasyon at ang Holy Rosary sa kamay ni Mommy D habang nagmimiron siya sa boxing fight ng Pambansang Kamao.

Dahil sa kapiranggot na TF, singer-actor dinedma ang alok na serye

Tinanggihan ng singer-actor ang tele­serye na offer sa kanya ng isang television network dahil hindi sila nagkasundo sa talent fee.

Masyadong mababa ang talent fee na alok ng network kaya nag-beg off ang singer-actor na can afford na mangdedma ng project dahil sideline lang niya ang pag-arte.

Actually, matagal na nagpahinga ang singer-actor sa showbiz dahil mas binigyan niya ng priority ang kanyang personal life.

Walang pinagsisihan ang singer-actor dahil nagawa niya ang lahat nang gusto na gawin. Ni hindi nga niya namalayan ang mabilis na takbo ng panahon.

Nakakabilib ang singer-actor dahil may prinsipyo siya at hindi kagaya ng ibang mga entertainer na mabilis magpasilaw sa datung at sabik na sabik na magkaroon ng exposure.

 

vuukle comment

RYZZA MAE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with