^

Pang Movies

Birthday ni Ji Chang Wook pinaghandaan ng Pinoy fans

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Birthday ni Ji Chang Wook pinaghandaan ng Pinoy fans
Jing Chang Wook

Kaya pala nag-trending si Jing Chang Wook ay dahil nag-birthday siya at binati siya ng sandamakmak ng kanyang fans.  Nagpahatid ng mga samu’t-saring wishes ang mga tagahanga ng Korean actor. Wish nilang maipalabas na agad ang ginagawa niyang new drama series at bago nitong single.

Bale ba, hindi na rin makapaghintay ang fans na magkaroon ito ng dyowa, pero dahil puro picture ng mommy niya ang kanyang kasama sa Instagram ay mas lalong na-in love ang fans dahil maka-nanay din pala ang kanilang paboritong K-actor.

Mas lalo pang natakam ang mga fans ni JCW nang mag-load ng bagong pictures sa opening ceremony ng Brand Bodyfriend sa Lounge S. Seoul sa bagong looks ng Korean oppa na isinabay sa birthday greetings.

Hindi rin nag-aksaya ng oras ang Pinoy fans na member ng Ji Chang Wook Philippines at nag-post ng mga picture at videos kahit sa background picture AD lamang ni JCW sa MAAX EYE LED na full display graphics na may 26-diameter steel-framed na unang full global video display sa Asia na inihanda ang birthday greetings para sa kanilang oppa sa MOA Globe nung Biyernes.

Hindi pa natapos ang ilusyon ng mga suporter na nagdaos din ng kanya-kanya nilang birthday party mula sa iba’t ibang bansa para sa kanilang idolo. Pati ang mga Pinoy ay hindi nagpahuli dahil nagkaroon din sila ng pa-party. Nakakaaliw dahil sa naka-video live sa social media ang party ay maraming nakiki-greet na mga fans mula California, Japan at mga Pinoy kung saang sulok na bansa sila naroon.  Tiyak na makararating kay JCW ang pag-celebrate ng Pinoy na taun-taon ay hindi nakakalimot na bigyan siya ng party kahit hindi pa nakakatungtong ang Korean actor sa ‘Pinas.

Nagtitipid din ang mga Pinoy fans na nilalaan sa pagbili ng ticket sa planong concert na idadaos ni JCW sa ‘Pinas.

vuukle comment

JING CHANG WOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with