^

Pang Movies

Michael V. nagpigil ng galit nang maging director

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pinuri si Michael V. ng kanyang cast at co-stars sa pelikulang Family History dahil very cool director daw siya sa set. Hindi raw kasi ito natataranta o sumisigaw considering na ito ang unang pelikulang dinirek, sinulat at produced pa niya.

Aminado si Bitoy na mabigat daw ang pressure sa kanyang balikat dahil halos lahat daw ng nangyayari sa production ay inaasikaso niya. Kaya kung may mangyaring hindi tama, iniiwasan niyang uminit ang ulo niya.

“Umiinit din ang ulo ko, hindi ko lang pinapahalata. Ayokong maging issue kasi iyon sa mga katrabaho ko. Kung kaya ko pang tiisin, bakit hindi? 

“Hindi kasi madali ang bumuo ka ng isang malaking pelikula. You have to see everything na maayos at walang aberya. If something happens na hindi dapat, dun ka medyo mapu-frustrate.

“Wala naman akong pinapagalitan sa set. Ayoko nga na may gano’n na mangyayari. Isipin ko na lang na it’s just another day sa trabaho. Hindi naman puwedeng perpekto ang lahat, ‘di ba?” sey pa ni Bitoy.

Kapag sobra na raw ang frustrations ni Bitoy, tinatawagan daw niya ang kanyang misis na si Carol. Magaling daw kasing magpaliwanag ito sa kanya para mapawi ang frustration niya.

“Ayoi (Carol’s nickname) can handle those things a lot better than I could kasi hindi ako puwede magsalita kasi you have to maintain a certain image and ayaw mo naman madurog ’yong kalooban no’ng mga taong kasama ninyo nagtatrabaho.

“Hindi kasi isang araw lang yan. Ilang araw yan na nagtatrabaho kayo, magkakasama kayo. Ayoko ko ’yong may kainisan ka?” sey ni Bitoy.

Isa raw sa payo ni Ayoi sa kanya ay ang kausapin niya ng maayos para walang samaan ng loob. Iwas problema raw iyon at walang napahiya.

Kaya si Bitoy, pagkatapos na maayos ang problema sa set, niyayakap daw niya ang mga taong nagpaliwanag naman sa kanya ng maayos.

Paolo gigil na gigil sa anak nila ni LJ

Pampawala raw ng pagod sa trabaho ni Paolo Contis ay ang anak nila ni LJ Reyes na si Summer.

Tuwing uuwi raw si Paolo mula sa magdama­gang taping, si Baby Summer daw ang una niyang hahanapin.

Makikita naman sa mga post ni LJ sa Instagram kung gaano panggigilan ni Paolo ang baby girl nila.

“Si LJ kasi parating nakakasama ni Summer. Ako kasi, kapag wala lang akong taping, dun ko lang nakakasama ng matagal si Summer. Kaya sinusulit ko ang panggigigil sa kanya.

“Eh ang baby walang kalaban-laban, ‘di ba? Kahit anong gawin ko sa baby ko, ginagawa ko. To the point na umiiyak na siya sa pangungulit ko sa kanya.

“One time, ginulat ko ng halik sa leeg, eh may bigote ako. Nangati sabay umiyak na tumatakbo kay LJ. Tawa lang ako nang tawa sa reaction niya,” tawa pa ni Paolo.

Hangga’t maaari raw ay lahat ng free time ni Paolo ay nakalaan sa baby girl nila ni LJ. Kapag tumanda na raw ‘yan ay baka hindi na magpalambing sa kanya.

“Kaya every possible moment na makasama ko si Summer ay ginagawa ko. 

“Nadala na nga namin siya sa bakasyon namin sa Siargao. Natuwa naman siya kaso pinapak ng lamok yung braso. Eh pag-uwi namin ng Manila, may event kami ni LJ na kasama si Summer. Nilagyan na lang namin siya ng jacket para matago yung mga kagat ng lamok,” kuwento pa ni Paolo na kasama sa cast ng Family History ng Mic Test Entertainment at GMA Pictures.

Song Joong-Ki nagtatago muna!

Pagkatapos na ma-reveal na hiwalay na at nag-file ng divorce ang South Korean Song-Song couple na sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo, umiiwas nang makita in public si Song Joong-ki pero tuloy pa rin daw ang pag-shoot niya ng pelikulang Lightning Ship ngayong July.

Heto ang official statement mula sa agency ni Joong-Ki na Blossom Entertainment:

“For the time being, Song Joong Ki will be taking time off for himself without [attending] official events. 

“Song Joong Ki is expected to begin filming Lightning Ship in early July. 

“The exact details for the shoot haven’t been released yet. He will focus on filming Lightning Ship after the schedule is set.” 

Isang big-budget science fiction movie ang Lightning Ship kung saan gaganap si Soong-ki bilang isang astronaut. Makakasama niya rito ay ang South Korean actress na si Kim Tae-ri.

Wala rin daw makuha na impormasyon ang media sa personal na nangyayari sa buhay ng aktor.

“Because it’s the actor’s personal life, we cannot go into details. We ask for your understanding,” saad pa ng agency ni Soong-ki.

Si Joong-ki ang nag-file ng divorce sa kanyang misis na si Hye-ko. Ang rason ng kanilang paghihiwalay ay “differences in personality”.

Paghahatian daw ng Song-Song couple ang kanilang assets na may halaga na 100 billion won or $85,456,500 million.

vuukle comment

MICHAEL V.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with