^

Pang Movies

Beauty queen/actress niligwak sa show dahil sa adobo

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, naloka ako sa tsikang kaya raw natsugi sa isang show ang isang beauty queen/actress ay dahil kinain niya ‘yung adobo na kakainin sana ng kanilang main host.

Parang ang babaw naman yatang dahilan ‘yon, kung totoo nga, huh!

Pero, kung totoo nga, gaano kaya kasarap ang adobo na ‘yon at humantong sa pagkakatsugi ni beauty queen/actress ang nagawa niyang ‘yon?

‘Kaloka lang ang kuwentong ‘yon.

Ang adobo, bow!

Lindol nakakawindang ang lakas!

Iba talaga ‘yung personal mong na-e-experience ang isang malakas na lindol kesa nababasa mo lang ‘yon sa mga news.

‘Kaloka ‘yung 7.1 Magnitude earthquake na na-experience ko noong Friday evening sa Los Angeles, California.

Kung nawindang ako sa napakalakas na lindol noong umaga ng 4th of July, mas nakakawindang ang lakas ng bagong lindol sa California.

Napakarami ring aftershocks na nararanasan ngayon sa California (at iba pang mga lugar sa Amerika).

Dimples lalong sumikat dahil sa Meme

Ang bongga talaga ng mga meme ng character ni Dimples Romana as Daniela Mondragon-Bartolome sa Kadenang Ginto ng ABS-CBN.

Ginagaya talaga siya ng mga Pinoy around the world.

Dahil doon, sobrang sumisikat si Dimples.

Magkaroon na rin kaya ng bonggang pelikula si Dimples ngayong sikat na sikat siya dahil sa Kadenang Ginto?

Ang alam ko, noon pa man ay sobrang favorite at bilib na sa kanya si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, Inc.

Fundraising concert nina Ogie, Dingdong, Randy at Gary inaabangan kung may part 2

Ang Green & Go fundraising concert kagabi nina Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado, Randy Santiago at Gary Valenciano sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Ayon sa mga namahala sa nasabing concert na ang proceed ay mapupunta sa medical fund ng La Salle Greenhills High School class ‘84, as of Thursday, ubos na ang tickets para doon.

Magkaroon kaya ng part two ang concert na ‘yon in a bigger venue?

Gerald hindi pikon sa mga nagli-link sa kanila ni Julia

In fairness sa mga fan, marami sa kanila ang hindi naniniwalang may kinalaman si Gerald Anderson sa mga tsika tungkol daw sa pagkakalabuan nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Obvious namang in love na in love si Gerald sa girlfriend na si Bea Alonzo.

Ang maganda, hindi naman napipikon si Gerald sa ganoong intriga dahil sabi nga niya, sanay na raw siya.

‘Yun na!

vuukle comment

DIMPLES ROMANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with