^

Pang Movies

Robin saludo kay Matteo!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Robin saludo kay Matteo!

Saludung-saludo si Robin Padilla kay Matteo Guidicelli dahil patuloy nitong isinasapuso ang pagi­ging sundalo.

Sa latest post ni P2Lt. Matteo, ang pagsaludo sa ating bandila at pagkakaisa ang challenge niya lalo sa taga-showbiz upang maging progresibo ang bansa, “instead of talking smack issues, why not unite so we may progress to make a better tomorrow. What do you think”

Pinangunahan ni Robin ang pagkagusto sa post ni Matteo: “Following your lead P2Lt. Matteo Guidicelli,” habang magkasama silang sumaludo sa ating watawat.

May mga sumang-ayon na netizens sa post ng boyfriend ni Sarah Geronimo pero meron din namang kumontra. Pero hindi na lang niya sinagot ang negatibong komento sa post niya.

Manager ni Liza handa na sa demanda

Naghuhumiyaw ang shout out ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook page nu’ng isang araw.

“We cannot accept your generic public apology, Kapitana SISA. We’ll just see you in court.”

Nu’ng Thursday post sa FB, lumitanya ang manager ni Liza Soberano sa sulat na para sa DJ ng Energy FM 106.7.

Bahagi nito ang pahayag na, “Bakit mo tinanggal yung uploaded video mo sa youtube? Kala ko naman, pinaninindigan mo yung tsinika sayo ng source mo against Liza Soberano? O eh bakit nawala?

“Kasi nga fake news at binobomba ka ng fans ni Liza at ng LizQuen sa paninira mo. Lalo na at ang lala ng blind item mo. At ikaw mismo ang nagtuturo na si Liza ang tinutukoy mo.”

Lumbas ang blind item sa YT ng radio personality na ayon kay Ogie ay 71 minutes ang haba, huh! Ang tsismis ay si Liza ay nabuntis daw. Hamon ni Ogie, bibigyan niya si Kapitana Sisa ng isang milyon kung nabuntis si Liza.

Kumonsulta na sa lawyer ang manager at na-save na niya ang videos ni Kapitana Sisa.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with