^

Pang Movies

Ina hinahanapan na ng apo ng nanay

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ina hinahanapan na ng apo ng nanay

Hinahanapan na raw ng apo ang aktres na si Ina Feleo ng kanyang ina, ang award-winning actress-director na si Laurice Guillen.

Pero ayon kay Ina, wala pa raw sa plano nila ng kanyang Italian boyfriend na si Giacomo Gervasutti ang mag-settle down dahil two years pa lang daw sila sa kanilang relasyon.

“Nangungulit na nga si mommy. Saan na raw ang apo niya?

“Wala naman akong masagot kasi wala pa nga sa plans namin ni Giacomo ‘yung magpakasal.

“Sinasabi ko naman kay mommy, ‘Hindi pa bagay sa ‘yo maging lola!’ sabay magtatawanan na lang kami,” tawa pa ni Ina.

Dalawa lang daw kasi silang magkapatid at pareho pa silang babae. Kahit na raw ang nakakatanda niyang kapatid na si Ana Feleo ay mukhang wala pang balak na bigyan ng apo ang ina nila.

“Before nasabi ko noon, by age 25 gusto ko may anak na ako or the very least, kasal na ako.

“Eh kumusta na ba? 32 years old na ako! Hopefully, before mag-35 ay may masasagot na ako na maganda kay mommy in regards sa paghingi niya ng apo,” ngiti pa ni Ina.

Sobrang busy nga raw ang buwan na July para kay Ina. Una ay kasama siya sa GMA primetime teleserye na The Better Woman bilang sister ni Derek Ramsay.

Sa July 26 naman ay ipapalabas ang pelikulang Family History kunsaan kasama sa cast si Ina.

“I feel so blessed kasi dalawang malalaking projects ang nagawa ko. Lalo na itong Family History, my first time to work with Michael V., una as an actor and as a director.”

Gabbi tuloy lang ang pagrami ng trabaho kahit naudlot ang big break

Naudlot man ang pagbibida ni Gabbi Garcia sa isang GMA teleserye, tuloy pa rin ang pagdating ng trabaho sa kanya. Heto nga’t magbibida sa isang digital series na ipapalabas sa iba’t ibang bansa.

Inamin ni Gabbi na nalungkot siya sa pag-cancel sa teleserye na Rosang Agimat na pagsasamahan sana nila ng yumaong actor-director na si Eddie Garcia.

Sey ni Gabbi, naiintindihan naman daw niya ang desisyon na ito ng GMA, bilang respeto na rin sa pagpanaw ng veteran actor-director.

Pero hinanapan naman daw si Gabbi ng kapalit na project at nagsimula na raw siya sa pag-shoot nito.

“Right now, I’m doing a digital series. Sobrang exciting because it’s international. Hindi ko pa puwedeng sabihin, it’s just exciting,” ngiti pa ni Gabbi.

Bukod sa digital series, may natapos ding movie si Gabbi titled LSS kunsaan kasama niya ang boyfriend na si Khalil Ramos. Isa ito sa magiging entries para sa Pista Ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa September 12 hanggang 18.

Kabilang si Gabbi sa celebrities na um-attend sa launch ng Maybelline New York cosmetic line tulad ng Superstay Full Coverage Powder Foundation, Sensational Liquid Matte Lip Tint, and Line Tattoo Impact Pen.

David at Victoria Beckham nag-celebrate ng 20th wedding anniversary

Nag-celebrate ng kanilang 20th wedding anniversary sina David and Victoria Beckham.

Marami sa mga kaibigan nila ang natuwa dahil umabot sa 20 years ang pagsasama ng dalawa kahit na pinutakti ang relasyon nila ng mga intriga.

Kinasal ang British football star at ang former member ng all-girl group na Spice Girls noong July 4, 1999 sa Luttrellstown Castle outside Dublin.

Nag-throwback ang mag-asawa sa kanilang Instagram ng mga early married life photos nila, kasama na ang lavish wedding nila.

“WOW 20 years, look what we created. Love you so much,”caption ni David.

Si Victoria naman ay may pinost na short video clip ng kanilang ‘90s wedding reception, ang his and hers outfits nila at ang high profile events na dinadaluhan nila tulad ng royal wedding ni Prince Harry and Meghan Markle.

“20 years today. I love you so much xxxxx Kisses x,” caption ni Victoria.

Sinama rin nila sa kanilang IG Stories ang kanilang apat na anak na sina Brooklyn, Romeo, Cruz at Harper. May kanya-kanya ring pagbati ang mga bata sa kanilang famous parents.

vuukle comment

INA FELEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with