^

Pang Movies

Nathalie ayaw na ng mga malalaswang role

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Nathalie ayaw na ng mga malalaswang role
Nathalie Hart

Wala pang malaking project na gagawin si Nathalie Hart kahit naka-two weeks na siya tomorrow sa Philippines.

Tinanggihan kasi ni Nathalie ‘yung movie ni Direk Mac Alejandre na kailangan niyang magkaroon ng kissing at bed scenes.

Feeling ni Nathalie ay hindi na bagay sa kanya ang mga ganoong role lalo na at kasama niyang bumalik ng bansa mula sa Australia ang anak na si Penelope.

Mapanindigan kaya ni Nathalie ang hindi na talaga pagbabalik sa mga ganoong role?

Kamakailan nga pala ay nag-taping si Nathalie para sa Magandang Buhay morning talk show nina Karla Estrada,  Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa ABS-CBN.

Samantala, balitang si Shaina Magdayao ang pumalit kay Nathalie sa sexy movie na tinanggihan niya.

Well...

Anak ni Ruffa nilindol sa US!

Si Lorin Gutierrez sa Be­verly Hills, California.

Sa official first day ni Lorin sa lugar na ‘yon ay na-experience niya ang Magnitude 6.6 Earthquake noong 4th of July.

Tuloy na tuloy pa rin naman siya sa kanyang special summer class sa UCLA na magsisimula na sa Monday.

Eddys kasado na!

Sa July 14 na gaganapin ang 3rd EDDYS Awards Night ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) at ang New Frontier Theater ang venue nila.

Sa Monday na raw ilalabas kung sino ang magho-host ng nasabing awards night.

Karamihan daw ng nominees at awardees (para sa ICON awards nila) ang nag-confirm na darating.

Actress/singer may pang-international project na pasabog

Marami ang mga nag-iisip na love life ang prio­rity ng isang actress/singer na may sexy image.

Ang totoo, career pa rin ang inuuna nito.

Maraming secret projects ang actress/singer na tiyak na ikakagulat ng lahat kapag na-reveal na.

Hindi lang pang-local, may international “something” pa si actress/singer na hindi muna niya niri-reveal!

‘Yun na!

 

vuukle comment

NATHALIE HART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with