^

Pang Movies

Coco at Yassi, may ‘threat’ kay Denise

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Coco at Yassi, may �threat� kay Denise
Yassi Pressman

I’m sure hindi magagalit ang fans nina Coco Martin at Yassi Pressman kapag naging third party si Denise Laurel. Napaparamdam na ng atraksyon si Coco kay Denise sa mga unang araw ng paggi-guest nito sa FPJ’s Ang Probinsyano, at wala pa namang hindi magandang reaksyon na narinig mula sa maraming manonood ng serye. Mukha namang marami ang may simpatiya kay Denise kahit magsisilbi siyang kontrabida kina Coco at Yassi.

Normal lang na magkaproblema sa ibang babae ang bida at hindi mamatay-matay na si Cardo.

Bamboo gustong pagbatiin sina Darren at JK!

Wala na si Megastar Sharon Cuneta sa bagong season ng The Voice Kids na papalit sa pagtatapos ng unang season ng Idol Philippines. Hindi na siya kasama nina Lea Salonga, Sarah Geronimo at Bamboo Mañalac na magsisilbi pa ring coach/mentor ng mga kabataang nais sumunod sa yapak nina Darren Espanto, Elha Nympha, Laica Gairanod, Kyle Echari at JK Labajo na pawang mga produkto ng nasabing kompetisyon.

Masaya ang tatlong judges sa kanilang pagbabalik, samantala, hindi natuwa si Bamboo at may halong panghihinayang sa nasirang pagkakaibigan nina Darren at JK. Gusto niyang magka-ayos na ang dalawa.

Miguel nagpaalam lumayas sa SP para sa schooling

Maraming fans ni Miguel Tanfelix at loveteam nila ni Bianca Umali na BiGuel ang nalungkot at nanghinayang dahil hindi na siya mapapanood sa Sunday PinaSaya ng GMA-7.

Nagpaalam na siya sa programa at pinayagan naman dahil pag-aaral ang kanyang dahilan na talaga namang importante para sa kanya.

Linggo na lamang binibilang para siya ay makapagtapos, pero kung hindi pa niya ito tututukan, baka maudlot pa ito at hindi pa agad na makatapos.

Diploma ang kanyang pinaka aasam-asam, at gusto niya itong ibigay sa kanyang mga magulang.

Baby pictures nina Daniel at Mayor Vico pinagpipiyestahan

Hindi lamang si Daniel Padilla ang may mga larawan nung kabataan niya na ibinabahagi ng kanyang inang si Karla Estrada sa social media, meron din ang bagong halal na mayor ng Pasig City na si Vico Sotto. Mga larawan ito nung kanyang kabataan na kuha at ginamit niya para batiin ang kanyang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes sa kanilang mga birthday.

Meron din siyang picture noong nasa kinder siya kasama si Jio de Leon, kinakapatid niya at anak ni Joey de Leon  at ni Janine Gutierrez. Yes, nagkasama sila sa isang school program noon.

The photos show ang malaking pagkakahawig niya sa kanyang ama. I’m sure marami pang ibang artista na may mga larawan nung kabataan nila ang gagaya kina Daniel at Mayor Vico at magpu-post din nito sa social media.

 

vuukle comment

COCO MARTIN

DENISE LAUREL

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with