^

Pang Movies

Mommy D pinagkaguluhan ng mga kasakay pa-Amerika!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Mommy D pinagkaguluhan ng mga kasakay pa-Amerika!
Mommy Dionisia Pacquiao

Nakasabay ko si Mommy Dionisia Pacquiao sa Mabuhay Lounge ng Philippine Airlines noong Wednesday night.

Kasabay din namin ni Lorin Gutierrez si Mommy Dionisia sa PR102 flight ng PAL pa-Los Angeles, California.

Mabuti na lang, Ateng Salve, at tinawagan kita at natanong tungkol kay Mommy Dio­nisia kaya na-confirm ko na siya nga ‘yung nakita ko sa Mabuhay Lounge dahil medyo nagkalaman siya.

Nang lumapag nga pala sa L.A. ang PR102 na sinakyan namin, may special public announcement ang purser at sinabing magsabi sa kanila ang mga miyembro ng pamilya Pacquiao para masabi kung saan sila magkikita-kita.

Bukod kasi kay Mommy Dionisia at ilang mga kasama niya sa business class lounge ay marami rin sa economy section na kasama sa entourage ng nanay ng ating Pambansang Kamao.

In fairness, marami sa mga pasahero ng nasabing flight ang na-excite nang malamang kasabay nila sa flight si Mommy Dionisia.

Ang bongga!

Pops at Martin kabi-kabila pa rin ang raket

Bukod sa series of shows nila sa Amerika, nakikipag-meeting na si Pops Fernandez sa isang gustong mag-produce sa Philippines ng Two-gether Again 2019 concert nila ng ex-husband na si Martin Nievera.

Malaking-malaki ang venue para doon ng potential producer.

Bukod nga pala sa Amerika, may inaayos ding shows sa Canada si Pops at ang promoters ng Two-gether Again 2019.

Pati pala sa Europe ay may nag-i-inquire rin.

Sa Los Angeles, California nga pala ay kasama sina Pops at Martin sa isang beauty pageant.

Hindi lang ako sure kung magpe-perform or magho-host sila.

In fairness, sobrang mabili pa rin ang tambalan ng ex-couple.

Buhay pa rin ang loyal fans nila na sa Penthouse Live noong araw pa lang ay sobrang suporta na sa kanila, huh!

Vice dapat nang magbawas ng trabaho?!

Akala ko noong una may intriga kaya wala sa It’s Showtime ng ilang araw si Vice Ganda, pero na-hospital pala ito.

Kuwento ng isang kaibigan ni Vice, bukod sa LBM, nagsusuka raw si Vice at sobrang nanghina, kaya nagpa-hospital na.

Sobrang worried tuloy ang fans ni Vice.

Hindi kaya dapat na rin siyang magbawas ng work load?

Puwede!

 

vuukle comment

DIONISIA PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with