^

Pang Movies

Bubot pa raw Angelina pinupuna na sa sobrang pagpapakita ng skin

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Bubot pa raw Angelina pinupuna na sa sobrang pagpapakita ng skin
Angelina Cruz

Mabilis na nakawala sa image ng kanyang ina si Angelina Cruz na panganay na anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Magaling kasi itong kumanta na siyang namana niya sa side ng kanyang ina.

Sa katunayan nga ay meron siyang album na release ng Universal Records, ang cover niya sa kantang Hanggang Kailan na orihinal na kinanta ng Orange And Le-mons. Umabot na diumano sa millions ang streams nito sa Spotify mula nang i-release ito.

Sa edad na 15, nadiskubre na ni Angelina ang kanyang hilig sa pagkanta. Ipino-post niya sa kanyang social media account na Instagram ang kanyang mga cover na siya namang pinapanood ng kanyang followers.

In fairness sa kanya, maganda ang pagkakakanta niya ng Hanggang Kailan.

Samantala, tulad ng kanyang Mommy Shine, maganda at maalindog si Angelina, kaya naman hindi rin mapipigilan kung marami ang humanga sa kanya. Tutol naman ang ilang netizens sa masyadong pagpapakita ng skin ng dalaga. Comment nila, dapat daw ay itago muna nito ang kanyang katawan dahil bata pa siya para ma-expose sa pagpapa-sexy, dapat ay sa pag-aaral at sa career muna ang kanyang focus.

vuukle comment

ANGELINA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with