^

Pang Movies

Anak ni Ruffa mag-aaral sa Amerika

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Panay ang bonding ngayon ng mag-inang Ruffa Gutierrez at Lorin Bektas dahil magkasama silang nagpo-food tasting para sa Sweet 16 birthday party ng teenager on August 31 (sa August 3 ang actual birthday niya) pero may mga kaklase na hihintayin si Lorin dahil nakabakasyon pa by that time, kaya ide-delay nila ang araw ng selebrasyon.

Friday nang magkasama ang mag-ina sa isang food tasting at noong Tuesday naman ay nakasama pa ako, pati ang lolang si Annabelle Rama.

Biniro ko pa si Lorin na puwede na akong hindi pumunta sa kanyang Sweet 16 celebration dahil nakakain na ako ng mga ihahanda niya.

Anyway, kagabi, inihatid ni Ruffa si Lorin sa airport dahil papunta ang kanyang panganay sa Los Angeles, California, mag-aaral ito ng short course doon habang bakasyon sa isang international school na pinag-aaralan dito sa atin.

Balak ni Ruffa na sundan nila ng bunso niyang si Venice dahil wala pa naman siyang taping for Love Thy Woman.

Kung pupunta siya ng L.A., malamang daw na manood na rin si Ruffa ng boxing fight ni Manny Pacquiao sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Alam na alam ni Ruffa na si Keith Thurman ang kalaban ni Manny, kaya mukhang seryoso siya na manonood ng nasabing boxing fight.

Ariella abala sa taping ng Killer… di nakasipot sa sariling presscon

Very apologetic si Ariella Arida dahil hindi siya nakapunta sa presscon kahapon ng Cosmoskin GSE DarkSpots Corrector dahil kailangan siya sa taping ng Killer Bride sa Taal, Batangas.

Bale ang BARGN owners na sina Niño Bautista at Red Gatus na lang ang humarap sa entertainment press.

Pero sa panahon ngayon na ang bongga na ng technology, nagawa pa ring mainterbyu ng entertainment press si Ariella dahil nag-video call siya sa akin at isa-isa niyang kinausap ang mga nag-attend sa Cosmoskin event na ‘yon.

Ang bongga nga pala ni Ariella dahil bukod sa Killer Bride ay nasa Umagang Kay Ganda pa rin siya, huh!

Direct nga palang nakikipag-usap sina Niño at Red kay Ariella dahil wala pa siyang bagong manager nang pumirma siya ng endorsement deal para sa Cosmoskin GSE DarkSpots Corrector.

Mayor Isko mahigpit sa pagbabago

Ang bongga ni Manila Mayor Isko Moreno, huh!

Mahigpit siyang mayor at marami siyang mga magagandang pagbabago na gustong mangyari sa Manila.

‘Yung kalsada nga sa may bandang Divisoria, lumuwag na!

Bawal din kay Mayor Isko ang lagay-lagay para tumino ang kanilang lugar!

Sana suportado si Mayor Isko ng lahat ng mga pulitiko sa Manila para lalong gumanda ang siyudad nila, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

LORIN BEKTAS

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with