^

Pang Movies

Dawn ayaw nang mag-teleserye

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Dawn ayaw nang mag-teleserye
Dawn Zulueta

Pare-pareho lang daw ang kuwento

Pahinga muna sa paggawa ng teleserye si Dawn Zulueta. Pare-pareho naman daw kasi ang kuwento ng pinadadala sa kanya kaya sa pelikula muna siya.

Huling ginawa ni Dawn ang My Bebe Love with Vic Sotto. This time sa pagbabalik sa pelikula, ang komedyanteng si Michael V. ang kasama niya sa GMA Pictures na film production ng GMA 7.

Malaking factor si Bitoy kung bakit tinanggap niya ang pelikulang Family History. Una fan siya ni Michael V. at pampamilya ang project.

Si Bitoy ang writer-producer at director nito na ayon sa kanya eh, masisisilip ang style ng ibang directors na nakatrabaho niya nu’ng aktibo pa siya sa movies.

Sa totoo lang, drama ang dating ng trailer pero ayon kay Bitoy, dahil kilala siyang komedyante, nilagyan din niya ito ng comic scenes, huh

Nadine kay Aga muna habang hinihintay si James!

Mabenta ngayon si Aga Muhlach sa pelikula, huh! Aba, hindi pa nga naipalalabas ang movie na ginawa sa Viva Films with Alice Dixson kung hindi kami nagkakamali, aba, ‘yung pasyal nila ni Nadine Lustre sa Viva office eh, may niluluto na palang project ni Nadine Lustre, huh!

Si Nadine naman, namamayagpag sa movies dahil hindi pa nga naipapalabas ang pelikulang Indak nila ni Sam Concepcion, kay Aga naman siya ipapareha.

Eh nabalita na magsasama sila ni James Reid sa isang movie na adaptation ng Korean movie na Spellbound. Pero wala pa kaming balita kung sinimulan na o sisimulan pa lang ang project.

Baka hindi na maayos ang spinal injury ni James kaya sa kandungan muna ni Aga ang bagsak ni Nadine, huh! Para rin kayang si James si Aga sa kaguwapuhan nu’ng nagsisimula pa lang siya noon sa showbiz, huh!

vuukle comment

DAWN ZULUETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with