^

Pang Movies

Female singer, nagmukhang kawawa sa mamahalin pero naghihingalong bag!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Sa isang private event ay nag-attend ang tatlong female singer na pare-parehong sumikat noong kapanahunan nila.

Naawa ang isang bisita sa isa sa tatlo.

May dala kasi itong mamahaling bag, pero lumang-luma na ang bag at dapat na ring pagpahi­ngahin. Pero gamit-gamit pa rin ‘yon ng isa sa tatlong female singers

“Puwede naman siyang gumamit ng bag na hindi mamahalin, pero maayos tingnan. Para tuloy siyang kawawa sa bag na gamit niya,” sabi ng isang sosyal na bisita sa event na ‘yon.

Well...

Magandang dermatologist natsismis sa kapatid ng ex na feisty news anchor!

Ang denial ng isang beautiful dermatologist (na dinadayo ng mga celebrity) tungkol sa tsikang boyfriend niya ang isang feisty news anchor.

Nagpupunta kasi si feisty newscaster sa beauty clinic ni beautiful dermatologist (na napapanood din sa isang health show sa TV), kaya may mga nagdududang sila.

Sabi ni beautiful dermatologist, ang feisty brother ni feisty news anchor na may TV at radio rin ang totoong nakarelasyon niya.

Nakarelasyon dahil ex na niya ito.

Natatawa nga si beautiful dermatologist dahil pinagkakamalan pang karela­syon niya si feisty news anchor na kapatid ng karelasyon niya.

Kaya pala sa isang picture nila ni feisty news anchor at nag-comment ako na para silang love team ay nag-react si beautiful dermatologist, huh!

Ogie, Dingdong, Randy at Garywalang problema sa billing

After ng presscon kahapon Green and Go fundraiser concert para sa medical fund ng batch ‘84 ng La Salle Greenhills High School ay nakatsikahan ko sina Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado, Randy Santiago at Gary Valenciano.

Isa sa mga napag-usapan sa presscon ay ang tungkol sa billing nilang apat na wala raw na­ging problema.

Alphabetical ‘yon at pinag-usapan daw ng kanilang managers.

Basta silang apat daw at natutuwa na nakasama sa fundraiser na ‘yon na ang proceed ay idadagdag sa pagpapatayo ng hospital na makakatulong sa mga kapuspalad.

Hindi rin daw pinag-usapan ang talent fee sa nasabing concert.

Basta ang aim ng lahat ay makatulong.

Sinabi ko nga pala kay Gary na maraming natutuwa na ang lakas-lakas na uli niya ngayon after ng health crisis niya last year.

Sumang-ayon si Gary nang sabihin ko ang komento ng marami na miracle na ang lakas-lakas na naman niya at nakakapagsayaw na uli.

Si Dingdong naman ay natanong ko tungkol sa pamba-bash sa social media ng ibang netizens sa anak nila ni Jessa Zaragoza na si Jayda Avanzado.

Aminado naman si Dingdong na sa panahon talaga ngayon ay hindi mapigilan ang bashers, but as parents ipagtatanggol talaga nila ni Jessa ang anak.

Anyway, sa Saturday na ang Green and Go sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

GREEN AND GO is co-presented by DLSU GH Batch 1984 and FILOIL Logistics Corp. with other sponsors Insular Oil, Chemalloy/USA 88, CDO Foodsphere, Inc, Fino Leatherware, and Petro Gazz. Presscon Venue partners are Hive Hotel and My Brother’s Mustache Bar. Media partners are RX 93.1, MOR 101.9, and Philippine Daily Inquirer. Tickets are available at Ticketnet.com.ph, FilOilFlying V Centre, and through Ateam at 0917-7958283.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with