^

Pang Movies

Erich inaabangan kung babakuran ng mayamang dyowa sa Singapore

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Erich inaabangan kung babakuran ng mayamang dyowa sa Singapore
Erich Gonzales

Ang taping next week sa Singapore ng Love Thy Woman ng ABS-CBN.

Ang dinig ko, one week doon sina Kim Chiu, Xian Lim, Erich Gonzales at ang iba pang cast.

Hindi lahat ng cast ng Love Thy Woman ay kasama sa Singapore, kaya si Sunshine Cruz nga raw ay magko-concentrate muna next week sa shooting ng The Heiress movie niya with Maricel Soriano and Janella Salvador.

Anyway, hindi naman siguro araw-araw magsu-shooting ang cast, kaya tiyak na makakapamas­yal ang mag-sweetheart na Kim at Xian.

Hindi ko alam kung may plus one si Kim sa taping nila sa Singapore, pero si Xian ay wala raw kasama, kaya for sure ay tutok ito sa girlfriend kapag wala silang eksena.

Teka! Kung sina Kim at Xian ay tiyak na magkakasama sa Singapore, ang sinasabing boyfriend ba ni Erich na si Mateo Lorenzo ay susunod sa taping ng Love Thy Woman?

Well...

La Salle alumni na mga taga-showbiz suportado ang Green & Go

Ang presscon mamaya ng Green & Go concert nina Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado, Randy Santiago at Gary Valenciano.

Sa Saturday na ang fundraiser na ‘yon ng Class ‘84 ng La Salle Greenhills High School, pero mamaya lang nag-swak ang schedule ng apat na singer, kaya mamaya pa lang ang presscon nila.

Sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City ang venue ng nasabing concert.

Ang kikitain ng concert ay mapupunta sa medical fund ng nasabing batch ng LSGH HS.

Excited sina Ogie, Dingdong, Randy at Gary sa nasabing concert dahil pare-pareho silang nag-graduate sa school na ‘yon.

Balitang maraming mga taga-showbiz na nag-aral din sa LSGH HS ang dadalo sa fundraising concert.

Ang alam ko, isa sa namamahala dun ang aktor na si Mandy Ochoa at si Mon Faustino ang musical director nila.

ArMaine takot taluhin ni Carlo si Maine

Naaliw naman ako sa ibang fans ng ArMaine nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Dahil ipapareha ng APT Entertainment at BlackSheep Productions si Maine kay Carlo Aquino ay worried daw ang karamihan sa kanila.

Baka raw kasi ligawan ni Carlo si Maine.

Hmph! Hindi ba’t may non-showbiz girlfriend si Carlo?

Saka friends sina Carlo at Arjo, so, hindi naman siguro tataluhin ng una ang sinasabing girlfriend ng huli, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with