^

Pang Movies

Pagiging leading man ni Carlo kay Maine kinikuwestiyon!

Vir Gonzales - Pang-masa
Pagiging leading man ni Carlo kay Maine kinikuwestiyon!
Maine Mendoza

MANILA, Philippines — Nagdiwang ang mga tagahanga ng phenomenal star na si Maine Mendoza dahil sa wakas ay may gagawin na itong pelikula kasama ang kanyang bagong leading man na si Carlo Aquino, ang Isa Pa With Feelings under Black Sheep Productions.

Hindi man si Arjo Atayde ang kanyang katambal, atlis ay pinakinggan ang sigaw ng fans niya na kunin din si Maine para magbida sa isang pelikula.

Tanong lang ng marami kung bakit hindi kumuha ng mas malaking artista para i-partner sa kanya, bakit daw si Carlo lang? Well anyway, sana ay magaling na direktor din ang magdirek sa kanila para naman mapantayan nila ang gawa ni Direk Cathy Garcia-Molina na Hello, Love, Goodbye kung saan ang mga bida ay sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Mayor Isko pinabuksang muli ang lumang underpass sa Manila para sa publiko

Tinotoo ni Mayor Isko Moreno ang ipinangako niyang bubuksan ang Lacson underpass na dating para sa publiko pero bigla itong naging pribado at bawal nang pasukin.

Bukod sa Lacson underpass, may isang kalye pa raw sa Maynila na almost 15 years daw na nakasara ang bubuksan din muli para sa publiko.

Magandang attitude ang ipinapakitang ito ni Mayor Isko, sana lang ay hindi ito drawing at mauwi na naman sa puro pangako.

Alden mainit na tinanggap sa Dos

Masayang sinalubong ng mga taga-ABS-CBN at ni Kathryn si Alden sa bakuran ng nasabing network. Hindi mo masasabing may network war ang Dos at GMA-7 dahil nagiging maluwag na ang dalawa tungkol sa pagpapahiram ng mga kani-kanilang artista.

Tuwang-tuwa si Alden sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga ito, hindi rin naman siya iniiwanan ni Kathryn habang itinu-tour siya kasama ang mga executive.

Nagkaroon na ng fan meeting ang dalawa para sa pelikula nilang Hello, Love, Goodbye at sinasabing bukas na raw mapapanood ang official trailer nito.

Tiyak na tututukan ito ng mga nag-aabang nilang tagahanga.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with