^

Pang Movies

Bumaha ng ‘I love you’ sa social media

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bumaha ng �I love you� sa social media

Napa-scroll kami sa Instagram (IG) ni Neil Arce, ang fiancé ni Angel Locsin dahil sa comment ng isang netizen na kung talagang mahal niya si Angel, ide-delete na niya ang photos ng ex niyang si Bela Padilla.

May photos pa nga ni Bela sa IG ni Neil, pero BTS (behind the scenes) lang ng movies na ginawa ni Bela na co-produced ni Neil. Naiintindihan naman siguro ni Angel ang tungkol dito, kaya nasa IG pa rin ni Neil si Bela.

Samantala, bumabaha ng “I love you” kina Neil at Angel dahil sa post ni Neil na nagpapasalamat sa fiancée niya for allowing him to be with her and to take care of her and love her for the rest of his life, “I love you, my fiance!” ang sagot ni Angel na sinagot ni Neil ng “I love you toooo!”

Mararamdaman pala na masaya ang lahat na engaged na sina Angel at Neil at majority sa movie industry ang nag-congratulate sa kanila. May kinilig nga nang batiin ni Richard Gutierrez si Angel dahil nanumbalik ang Mulawin feels nila.

Isa pa rin sa napuna ng netizens ay ang malaking bato sa engagement ring ni Angel at gusto nilang malaman kung ilang milyon ang worth ng ring. May nagbibiruan pala na hindi na dapat “Ding ang bato” ang dapat isigaw ni Angel kundi, “Neil, ang bato!”

Star Cinema ayaw papigil sa promo ng KathDen movie

May mga nagrereklamo sa sobrang hype ng promo ng Hello, Love, Goodbye ng starring Kathryn Bernardo at Alden Richards, pero ayaw magpapigil ng Star Cinema. After nga ng first leg ng mall show last Saturday, this Monday naman ang global premiere ng trailer ng pelikula.

Hindi lang sa Ang Probinsyano ipalalabas ang trailer, mapapanood din sa TFC, Cinema One, MYX, Jeepney TV, DZMM , MOR.109.9 at sa ABS-CBN Star Cinema at FB page ng Star Cinema at Twitter ng Star Cinema.

Ang wala pang balita ay kung sa July 31 nga ang showing ng Hello, Love, Goodbye dahil sakop na siya sa bagong sirkular ng FDCP moving the opening of playdate ng movies to Friday mula sa nakaugaliang Wednesday.

Sunud-sunod na rin ang mall tour ng cast hanggang showing na ng pelikula at kung surreal kay Alden nang makapunta siya sa ABS-CBN, surreal din tiyak sa kanya na ang kasama niya sa pagpo-promote ng Hello, Love, Goodbye  ay Kapamilya stars, maliban kay Lovely Abella.

Speaking of Alden, pagkatapos ng movie, ang dinig namin, teleserye sa GMA-7 ang kanyang gagawin. Excited kami sa mga naririnig namin sa project, pero bawal pang isulat.

Ina nakipagsabayan sa kaseksihan ni Andrea

Mabait na ate ni Derek Ramsay ang role ni Ina Feleo sa sexy drama ng GMA 7 na The Better Woman. Siya si Angela de Villa Castro na unang nakaramdam ng bad vibe na dala ni Juliet, ang kakambal ni Jasmine (Andrea Torres) na wife ng brother niya.

Single mom ang role ni Ina at may dalawang anak, pero wala siyang kapareha rito.

Dahil wala pang anak in real life, nagpapatulong si Ina kay direk Mark dela Cruz kung paano maging ina. Hindi rin naman siya nahihirapan dahil magaling siyang aktres.

Kahit si Ina, nararamdaman ang lakas ng chemistry nina Andrea at Derek at mararamdaman ito ng Kapuso viewers kapag pinanood ang The Better Woman simula ngayong gabi, 8:35pm., pagkatapos ng Sahaya.

Sabi rin ni Ina, good for five weeks airing na ang na-taping nila, but in fairness to her, kahit kinulit namin, hindi ikinuwento ang story. Isang nagpapa-challenge sa kanya ay ang sabayan ang kaseksihan nina Andrea at Derek at sa taping, bago ang take, may 10-minute workout muna sila ni Derek.

Gusto rin niyang sabayan ang “no salt and no sugar” diet ni Andrea na dusa para sa kanya na mahilig sa matamis.

Mapapanood din pala si Ina sa pelikulang Family History ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment na showing sa July 24. Si Michael V, ang co-producer, director, leading man at sumulat ng story ng pelikulang magpapaiyak sa moviegoers.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

NEIL ARCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with