^

Pang Movies

Jennylyn at Coco movie tuluy na tuloy na

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jennylyn at Coco movie tuluy na tuloy na
Jennylyn Mercado at Coco Martin

Tuloy na tuloy na ang unang pagsasama nina Jennylyn Mercado at Coco Martin sa isang pelikula na intended for this year’s Metro Manila Film Festival at produced and directed din ng aktor. Makakasama rin nila rito si AiAi delas Alas.

Ngayon pa lang ay marami nang positive feedbacks kaming natatanggap sa first team-up nina Coco and Jen. Ang daming nagsasabing parang bagay daw ang dalawa at parang malakas din ang chemistry.

Malapit nang simulan ang movie kaya naman maglalagare si Jen sa 3 niyang proyekto – Love You Two teleserye, Starstruck 7 at ito ngang pelikula with Coco.

Derek nagpaliwanag sa pagmumura sa mga kasambahay

Naiiling na lang si Derek Ramsay sa mga pangba-bash sa kanya ng netizens sa break-up nila ni Joanne Villablanca. Na karamihan ay sinisisi siya at siya ang lumalabas na may kasalanan.

“Of course, it’s normal to think na ang lalaki ang may kasalanan. Sometimes, wala namang may kasalanan, ‘di ba? Sometimes it just happens na maybe we don’t bring the best out of each other, maybe we’ve realized later in life that there’s something else that we wanna do.

“And ang daming nakikisawsaw na I guess, in my sense, mga babae na nasaktan na, who’ve gone through break-ups, na na-feel bad and expressed themselves,” sabi ni Derek sa presscon ng The Better Woman.

Nangyari na raw ang ganitong mga hindi maganda sa past niya at tumahimik lang daw siya.

“I’ve been through this before, guys, you know, with Angelica (Panganiban), I kept my mouth shut, with my other relationships, I’ve always kept my mouth shut.

“Babae ang ano mo dito, eh. I won’t disrespect a woman. I won’t say anything negative about any of my exes. I’m good friends with Solenn (Heussaff), I’m okay with Angelica now, it took longer but Angel and I are okay, I’m friends with Cristine (Reyes). It’s hard for me to keep quiet but I have to keep quiet,” ani Derek.

Isa pang naging issue kay Derek ay ang pagmumura raw nito sa mga kasama sa bahay na akusasyon ng isang netizen who’s claiming na neighbor siya ng aktor.

“Kung ganu’n ka sa kasambahay mo, iiwan ka ng kasambahay mo. Ang kasambahay ko, nandiyan since I started showbiz and they’re still there.

“So, that’s a proof of how I am. Kahit tanungin mo ‘yung mga kasambahay ko, ang rule ko, magkasama tayo sa bahay, pamilya tayo, we’re all the same. I wouldn’t be able to do what I do kungdi sa tulong nila and vice versa,” paglilinaw ni Derek.

Ang isa nga raw anak ng kasambahay niya ay siya pa ang nagpapaaral at para na ring anak na raw ang turing niya.

Aminado siyang nagalit siya at na-offend sa basher dahil tao lang naman daw siya.

“I’m not perfect. Nagmumura ba ako? Yes, hindi sa kasambahay ko. But, you know, basher nga, hindi ko minumura, eh, kasambahay ko pa. So, that’s what got me a little nit agitated na ‘what the hell is this person’s saying?’” sey niya.

Hindi naman daw niya hinihiling na i-like siya ng mga bashers pero sana naman daw ay maging respectful naman daw ang mga ito at huwag maging rude.

vuukle comment

COCO MARTIN

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with