^

Pang Movies

Kahit sangkaterba ang love scenes Derek umaming hindi naelya kay Andrea

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Somehow ay in-expect na rin ni Andrea Torres na mali-link sila ni Derek Ramsay dahil nga may ginagawa silang teleserye together sa Kapuso network, ang The Better Woman na nagkaroon na ng mediacon last Thursday night.

Ayon kay Andrea nang makatsikahan namin sa presscon, hindi na raw siya na-shock na madamay ang pangalan niya sa break-up ni Derek at ng model/media influencer na si Joanne Villablanca.

“Kasi, siguro, kasama na ‘yun sa pagtanggap ko ng role, pagtanggap ko ng story, na mali-link kayo sa isa’t isa, kasi ‘yung mga eksena namin, in-love ‘yung dalawang babae sa kanya. So, hindi naman po maiiwasan,” saad ni Andrea.

Dual role ang ginagampanan ng Kapuso actress sa serye at parehong love interest ng character ni Derek.

Matatatandaan namang nito lang buwan na ito ay lumabas ang balitang break na sina Derek at Joanne na timing naman na ginagawa na ng aktor at ni Andrea ang serye. Kaya nagkaroon ng spekulasyon na baka ang Kapuso actress ang dahilan ng break-up.

Ayon kay Andrea, sobrang gentleman nga raw ni Derek na talagang kinausap pa raw siya nito nang lumabas ang third party issue and made sure na okay siya.

Hindi naman daw naapektuhan ng tsismis ang working relationship nila ni Derek at kahit may pinagdadaanan ang aktor ay hindi rin daw apektado ang trabaho nito.

Actually, pangalawang pagkakataon na ito na napagbintangan si Andrea na third party or other woman. Nang time na ginagawa nila ni Dingdong Dantes ang Alyas Robin Hood, natsismis din sila ng aktor at diumano’y pinagseselosan siya ng misis nitong si Marian Rivera.

Hindi naman bothered si Andrea na bumalik na naman ang ganitong issue sa kanya.

“I think, ‘yung mga gumagawa ng issue ang may problema. Basta sa akin, basta malinis ‘yung kalooban ko and nakikita naman ng mga katrabaho ko na focused ako sa work, ‘yun din ang pinunta ko sa set, parang ayoko nang problemahin pa ‘yung mga ganu’n,” she said.

Samantala, magsisimula na ngayong July 1 ang The Better Woman sa GMA Telebabad mula sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.

Kasama rin sa serye sina Jaclyn Jose, Ina Feleo, Marco Alcaraz, Ashley Rivera, Paolo Paraiso at marami pang iba.

Ipinagtanggol naman ni Derek si Andrea sa third party issue. Ayon sa aktor, sobrang unfair sa leading lady na ma-drag ang pangalan nito sa problema nila.

“That’s not fair. And ako, gusto ko lang sabihin, none of these should be asked to Andrea because she’s got nothing to do with any of these. And I’m not also the type of guy that likes to use gimmicks to promote a project.

“So, I really wish na dapat mag-stop ‘yun, kasi again, it’s unfair to her na wala namang kinalaman sa nangyayari sa akin. And it’s my relationship so, all the questions should be directed to me,” sey ni Derek.

Sa The Better Woman ay napakarami nilang love scenes ni Andrea at hanga siya sa Kapuso actress sa sobrang lakas ng sex appeal nito, sa pagiging palaban at pagka-professional.

“At hindi lang ‘yun, nakita n’yo naman sa ipinakita niya sa MTV and trailer, she’s a good actress, and that makes things so much easier.”

Natanong nga siya kung nag-init ba siya kay Andrea sa kanilang sangkaterbang love scenes at natawa si Derek.

“Alam n’yo naman na I’ve done so many projects with so many different beautiful women and ang no. 1 rule ko is to respect the woman that I’m doing my scenes with,” aniya.

“So, walang elya na nangyayari,” natatawa pa niyang sambit.

vuukle comment

ANDREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with