^

Pang Movies

Tuloy ang panghihiram ng mga artista

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Si Maine Mendoza naman ngayon ang nahiram ng film company ng ABS-CBN at itatambal daw kay Carlo Aquino. Nauna riyan, nahiram na nila si Alden Richards at itinambal nga kay Kathryn Bernardo.

Mayroong dalawang kaisipan - na sa kabila ng katotohanang napakarami na nga nilang artista at may mga nagrereklamo na ngang hindi naman sila nabibigyan ng trabaho humihiram pa sila ng artista sa kanilang kalabang GMA Network.

May nagsasabi naman ng kabaliktaran. Mabuti nga raw at nahihiram ng ABS-CBN ang mga artista ng GMA dahil mahina ang creative arm ng kanilang network at kulang din ang kanilang malalaking stars para maigawa ng project. Marami rin daw silang stars na hindi naman mabigyan ng build up talaga.

Pero ang punto naman namin diyan, ano man ang dahilan. Sino man ang sabihing mas nakikinabang, mabuti naman at ang dalawang network ay nagkakatulungan. Ano man ang sabihin ninyo, makikinabang ang mga artista. Halimbawa na nga lang si Maine, matagal na siyang walang pelikula at wala namang project na maibigay sa kanya. Kaya nga maganda ‘yang kahit na sabihin mong sugal na naman ang pelikulang ‘yan dahil walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa pagtatambal nila ni Carlo Aquino, at least sinugalan siya ng ABS-CBN.

May nagsasabi rin naman, mukhang paghahanda na rin iyan ng pagiging “content producer” ng ABS-CBN kung sakali nga at hindi na sila makakuha ng bagong prangkisa bilang isang broadcasting network.

Iba na nga naman ang ready.

Maugong din na isa iyon sa possibilities, itutuloy nila ang paggawa ng shows na maibebenta nila sa ibang networks just in case. Sayang din naman kasi ang contract sa kanila ng stars.

Song Joong-Ki at Song Hye-Kyo noon pa hiwalay

Bago naman pala nabalita iyang sinasabing divorce niyang sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo ay matagal na silang hindi nagkakasundo at hindi na rin nagsasama. Sandali lang naman palang nagsama ang dalawang iyan, tapos naghiwalay din. Noon pa nga raw balak nang dispatsahin iyong bahay na binili nila sa Itaewon, na siya nilang tinirahan matapos ang kanilang kasal noong 2017.

Iyan naman kasing dalawang iyan, parang nagkatuksuhan lang. Nagkakilala noong magkasama sa isang k drama, naging mag-syota at pagkatapos noon nagpakasal noong 2017. Matapos ang isang taon, masama na ang pagsasama nila. Tapos bigla ngang hindi na lang umuwi si Song Joong-ki sa kanilang bahay, at ngayon para matapos na ang usapan, nag-file na siya ng divorce.

Iyan ang problema noong mabilis na ligawan.

Hindi nagkakakilala nang husto, tapos marami palang hindi mapagkakasunduan, ‘di hiwalay na nga agad.

Asawa ng DJ na si Nicole Hyala pinakakasuhan ng Customs!

Matindi iyong kasong kinasangkutan ng Dj na si Nicole Hyala. Iyong mister niyang si Renly Tinana na isang security guard sa Customs, sinampahan ng kaso dahil hindi raw makapaniwala ang mga boss noon na mayroon siyang halos dalawang milyon sa bangko, base lang sa suweldo niya. Eh may nagsasabi naman na pera daw iyon ni Nicole, na malaki ang kita bilang DJ at host.

Siguro ang tama, tingnan muna ang ibinabayad nilang income tax. Kung iyon naman ay deklaradong kita kung ano ang illegal doon. Ang matindi kung wala silang inaaming ganoon kalaking kinikita tapos ay makikitang may ganoon sila kalaking pera sa bangko.

vuukle comment

ARTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with