^

Pang Movies

Barbie at Mika gusto ng happy ending

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Barbie at Mika gusto ng happy ending
Barbie, Mika

Start na ngayong Monday, June 24, ang grand final week ng fantaseryeng Kara Mia kaya marami nang netizens ang excited kung sino ba talaga ang mabubuhay kina Kara, played by Barbie Forteza at Mia, played by Mika dela Cruz. Sabi kasi ng reyna ng kagubatan, si Reynara (AiAi delas Alas), isa lamang sa magkapatid ang dapat mabuhay at ang isa ang iaalay sa kanya. Kung sino ang mas malakas sa kanilang dalawa, ay siyang mabubuhay.

Nakausap namin sina Barbie at Mia kung sila ba ang tatanungin, paano nila gustong magtapos ang Kara Mia at ano ang mangyayari sa kanila? Nagsimula na silang magkakabit, isang katawan ni Kara at nasa likod ng ulo niya ang mukha ni Mia. Lumaki ang magkapatid na mahal ang isa’t isa sa kabila ng hitsura nila, pero nang magkaisip na sila, sumama ang ugali ni Mia, naging inggitera siya at kinalaban na niya si Kara.

Parehong proud sina Barbie at Mika na ibinigay sa kanila ng GMA Network ang naiibang proyektong ito ng Kara Mia, pero pareho sila ng gustong maging ending ng fantaserye sa June 28.

“Gusto ko pong happy ending naman kami ni Kara at lumabas ang pagmamahal namin sa isa’t isa, simula pa noong mga bata kami,” sagot ni Mia. “Kasi, kahit bali-baligtarin po ang mundo, ang core pa rin talaga ni Mia ay si Kara. Nice din po kung sana ay mabigyan ng konting engkanto powers si Mia, hahaha!”

“Ako po naman personally, gusto ko namang maging engkanto slayer in the end since iyon po naman ang ginagawa ko sa buong show. Pero mas gusto ko ring sina Kara at Mia will live happily ever after, kasi deserved nila iyon pagkatapos ng mga fight scenes at sigawan. At gusto ko ring magkahiwalay na sila for good at mabuhay ng kani-kaniya.”

Pero mami-miss daw nila ang mga kasama nila sa serye like ang mga jokes ni John Estrada at ni Direk Dominic Zapata, iyong forever poised na si Carmina Villarroel na the best actress na nakatrabaho nila, nanay na nanay daw talaga sa kanila.  Gustung-gusto nila iyong “Arthuuurrr” line ni Glydel Mercado, saka ang walang katapusang chikahan nila sa set.

At silang apat, sina Barbie, Mia, Jak (Roberto) at Paul (Salas), nag-promise silang lagi pa ring magkikita-kita kahit tapos na ang serye. At labis-labis ang pasasalamat nila sa lahat ng tumangkilik sa kanila gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras.

Abo ni Eddie iuuwi na ng Bicol

Natapos na ang wake ng pinagpipitagang actor na si Eddie Garcia kagabi sa Heritage Park. Natupad ang hiling ni Manoy Eddie na i-cremate agad ang kanyang labi kapag yumao na siya pero hindi naman pala totoo na gusto niyang isaboy sa Manila Bay ang kanyang ashes.

Ayon kay Bibeth Orteza na malapit sa pamilya, dadalhin sa Bicol ang abo niya. Babalik si Eddie kung saan siya isinilang. Ang labi niya ay itatabi sa libingan ng father ni Lilibeth Romero, ang long-time partner niya, na nasa Bicol.

Last Saturday, Eddie Garcia was recognized by the Philippine Army during his memorial services at the Heritae Park Taguig City.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

MIKA DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with