^

Pang Movies

Angelica tumalak sa internet provider!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Angelica tumalak sa internet provider!

Muling nag-emote sa social media ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban. Pero hindi na tungkol sa lovelife kundi sa palpak na serbisyo ng kanyang internet service provider.

Dinaan sa Twitter ni Angelica ang halos dalawang buwan na problema niya sa kanyang ISP. Lagi raw siyang ini-schedule na pupuntahan sa bahay para maayos ang ISP pero wala naman daw dumarating.

Kaya wala raw choice ang aktres kundi ang tumalak na sa social media para makuha ang atensyon ng palpak na internet company.

Heto ang sunud-sunod na post ni Angelica sa Twitter:

“Hi @SKYserves, one month na po... Hindi niyo pa rin ako sinisipot? Ano ito? Drawing? Kailangan umabot sa Twitter?”

“Nakakapagod magpa-schedule at maghintay sa kanila. Tapos walang dara­ting na tao. Ano kaya yun? Bat pa nagpa-sched. One month na eh,” bahagi ng emote ni Angelica.

Maraming netizens ang nakaka-relate sa problema ni Angelica dahil sila rin ay biktima ng palpak na serbisyo ng naturang internet company.

Dahil sa perwisyo sa ISP, nag-demand ng dalawang buwan na refund si Angelica mula sa kumpanya at gandahan naman daw nila ang serbisyo nila sa mga subscriber.

Kahit late na…

Vickie itinama ang sagot

Nabigyan ng pagkakataon si Vickie Rushton na iparinig sa publiko ang nabitin niyang sagot sa nakaraang Binibining Pilipinas 2019 sa talk show ni Boy Abunda na Tonight with Boy Abunda.

Naging dahilan sa hindi magandang sagot ni Vickie ay ang na-distract ito sa isang audience member na nag-make-face sa kanya at sa ilang hecklers sa Araneta Coliseum.

Kahit na si Vickie ang most awarded candidate nang gabing iyon, wala siyang nauwing title sa anim na titulo at korona.

Ikinatuwa pa raw ni Vickie na ang question ay galing kay Daniel Padilla na nakasama niya sa teleserye na La Luna Sangre. Dahil magkakilala sila ng aktor, confident si Vickie na masasagot niya ang anumang itanong sa kanya. Pero galing na rin kay Vickie na hindi niya inasahan na maaapektuhan siya sa ginawa ng hecklers kaya pumalpak siya sa pagsagot.

Kaya sa show ni Tito Boy ay binigyan siya ng pagkakataon na mabuo niya ang kanyang sagot para marinig ito ng mga fans niya na umasa ring mananalo siya ng korona.

Heto ang buong sagot ni Vickie tungkol sa mental health:

“Mental health is as important as physical health because it goes hand-in-hand for our inner being. Growing up, I was bullied and it affected my mental and physical health. As a woman who’ve been through a lot, I can use it to empower and inspire the people and remind them that self-love is important for us to be productive.”

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with