^

Pang Movies

Martin kakanta sa wake!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Martin kakanta sa wake!

Nagsimula na kahapon sa Heritage Memorial Park ang burol ng yumaong veteran actor na si Eddie Garcia.

Ang dinig ko, may mga magpe-perform ngayon sa burol ni Mang Eddie.

May mga kakanta raw at kasama sa mga ‘yon si Martin Nievera.

Ipinagluluksa ng buong local showbiz ang kamatayan ni Mang Eddie!

Pops at AiAi ginawang kambal

Sabi ni Pops Fernandez, masaya siya, ang Cignal at ang iba pang producers ng Feelennial (Feeling Millennial) sa first day gross ng pelikula.

Inaasahan daw nila na lalakas this weekend ang pelikulang pinagbibidahan nina AiAi delas Alas at Bayani Agbayani.

Maraming nagsasabi na maganda at nakakatawa talaga ang pelikula.

Sobrang pinupuri sina AiAi at Bayani ng mga nakapanood na.

Oo nga pala, alam n’yo ba na ang role ni Pops sa Feelennial ay twin sister ni AiAi?

Yes, walang kokontra, kambal silang dalawa sa Feelennial, ‘noh?!

Si Martin naman ay ang picture na ginamit ni Bayani sa isang dating app na ginamit sa pelikula.

Maganda ‘yung eksenang hinabul-habol ni AiAi si Martin na nakasalubong naman ni Pops na hinahabol naman ni Bayani!

Sen. Villar may pa-party

Ang pa-dinner party kay Senator Cynthia Villar sa isang Chinese restaurant kagabi sa Greenhills, San Juan.

May ilang mga taga-showbiz na um-attend doon.

Karapat-dapat lang na magpa-party si Sen. Villar dahil siya ang nanguna sa nakaraang mid-term elections.

More than three millions votes ang lamang ni Sen. Villar sa pumangalawa sa kanya na si Sen. Grace Poe.

Kim nag-taping na, Xian ‘di pa nag-umpisa

Natuloy na palang mag-taping si Kim Chiu noong Thursday para sa Love Thy Woman. Ang leading man at real-life boyfriend naman niya na si Xian Lim ay hindi pa rin nagti-taping.

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with