^

Pang Movies

Set ng Probinsyano dinalaw ng kaluluwa ni manoy

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Set ng Probinsyano dinalaw ng kaluluwa ni manoy

Isa si Coco Martin sa mga pinakaunang nagbigay ng kanyang damdamin sa pagpanaw ng isa sa haligi ng movie industry na si Eddie Garcia noong Huwebes (June 20) ng hapon.

Matagal na nakasama ni Coco si Manoy Eddie sa kanyang dalawang serye na Juan dela Cruz at FPJ’s Ang Probinsyano at ang alam namin ay talagang malapit sila sa isa’t isa. Lolo nga ang tawag niya sa batikang aktor/direktor.

Sa post ni Coco noong Huwebes ng gabi, ramdam na ramdam mo sa kanya ang labis na pagkalungkot. Napaka-touching ng kanyang pamamaalam at alam mong galing sa puso.

“Diko mapaliwanag ang lungkot at sakit nanararamdaman namin ngayon. Iniisip ko nalang po na ang Diyos ang may kagustuhan ng lahat ng nangyayari para sa atin.

“Maraming salamat sayo Lo sa lahat ng ating mga kwentuhan at tawanan at sa ating mga masasayang mga oras na magkasama. malayo man ang edad natin pero tinanggap mo ako bilang kaibigan mo.

“Hanggang sa muling pagkikita natin Lo mabuhay ka at alam ko nandito kalang sinusubaybayan mo kami. hindi namin kakalimutan ang lahat ng mga pangaral mo para sa amin isa kang huwaran ng mabuting tao at mahusay na artista at direktor Mahal na mahal ka namin Lo!!! R.I.P,” ang post ni Coco.

Samantala, hanggang sa sinusulat namin ito ay dagsa pa rin sa social media ang pagbibigay-respeto, pag-alala at pamamaalam ng mga taga-showbiz sa pagyao ni tito Eddie. Magmula sa mga beterano hanggang sa mga kabatang artista ay makikita mong nagbibigay ng kanilang last words for the late veteran actor, mga artistang nakasama niya at kahit hindi niya nakasama.

Indeed, the whole industry is in mourning for the loss of one of its great actors of all time.

Nanindig naman ang balahibo namin sa post ni Yassi Pressman na nakasama rin si Tito Eddie sa FPJAP. Nag-upload ng short video ang aktres habang nasa set sila ilang oras matapos ang pagpanaw ng beteranong aktor.

Caption ni Yassi sa video, “this was a very special moment on the set of #FPJsAngProbinsyano....kakabukas lang ng camera sa phone namin, ng biglang may paruparong hindi kami iniwan...wait till the end.”

Makikita sa video ang paru-parong lumilipad-lipad sa set. Narinig namin ang isang staff na nagsalita ng “naku, Diyos ko, Lord.”

Si Yassi naman ay makikitang sinundan-sundan ng tingin ang butterfly at pag nalalapit sa kanya ay tina-try niyang padapuin sa kanyang mga palad.

Nang lumayo ang paru-paro ay nag-wave pa sila ng pamamaalam dito.

Dito sa atin ay pinaniniwaalang ang paru-paro ay kaluluwa ng isang namatay at sinasabing nagpaparamdam daw ang yumao sa pamamagitan nito.

vuukle comment

ANG PROBINSYANO

COCO MARTIN

EDDIE GARCIA

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with