^

Pang Movies

BuyBust gagawan ng sequel?

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
BuyBust gagawan ng sequel?

Masayang-masaya si Dondon Monteverde dahil best picture ng 42nd Gawad Urian ang BuyBust, ang first hardcore action movie ni Anne Curtis.

Para kay Dondon, isang malaking karangalan na ang Buybust ang pinili ng mga miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino bilang pinakamahusay na pelikula noong 2019.

Puwedeng-puwede talaga na magkaroon ng Part 2 ang BuyBust dahil bitin ang ending nito kaya may pahiwatig na magkakaroon ng sequel.

Sky Castle eere na

Finale week na pala ng Kara Mia sa susunod na linggo pero hindi pa alam kung ano ang ipapalit sa timeslot na mababakante ng primetime television series ng GMA 7.

May mga hula na baka ilipat ang Sahaya sa timeslot ng Kara Mia pero may mga suspetsa naman na ang Koreanovela na Sky Castle ang ipapalit sa magwawakas na show nina Barbie Forteza at Mika Dela Cruz.

Naglabas na ang Kapuso Network ng mga press release na malapit nang mapanood sa naturang station ang Tagalized version ng Sky Castle.

Nasimulan ko nang panoorin ang Sky Castle pero mas nagandahan ako sa Are You Human? na palabas din sa GMA ngayon.

Mars may teaser na sa GMA

Ipinapakita na rin ng GMA 7 ang teaser ng Mars, ang talk show nina Suzi Abrera at Camille Prats na matagal na napanood sa GMA News TV.

Bongga ang Mars dahil tumagal din ito ng pitong taon sa sister station ng GMA. Ang ibig sabihin, may captive audience ang Monday to Friday show nina Camille at Suzi.

Hindi imposible na lalong dumami ang viewers ng Mars kapag ipinalabas na ito sa GMA 7. Ang mga blind item sa programa nina Suzi at Camille ang isa sa mga inaabangan noong napapanood pa ito sa GMA News TV.

Willie gustong mapanood kahit sabado

Nakakatanggap naman ng mga request ang GMA 7 na i-extend hanggang Sabado ang Wowowin, ang top-rating game show ni Willie Revillame.

Actually, matagal nang nililigawan si Willie na magkaroon ng Saturday edition ang kanyang Monday-to-Friday game show.

Mukhang malapit nang makumbinsi si Willie para pumayag ito na mapanood mula Lunes hanggang Sabado ang Wowowin.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with