^

Pang Movies

Julia at Joshua plastikan na lang?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Julia at Joshua plastikan na lang?!
Julia Barretto at Joshua Garcia

Plastikan ang magiging drama nina Julia Barretto at Joshua Garca dahil wala silang choice kung hindi magsama sa promotions ng kanilang movie.

Kahit wala pang kumpirmasyon na tapos na ang relasyon nila, malakas ang usap-usapan na split na sila.

Naku, hindi nga mabanggit-banggit ni Julia ang pangalan ni Joshua sa isang vlog interview sa kanya ni Erich Gonzales, huh!

Sa totoo lang, natagalan bago nagkaroon ng permanenteng loveteam si Julia. Tanging si Joshua lang ang kinagat ng tao para sa kanya and vice versa.

‘Yun nga lang, some good things never last gaya ng loveteam nina Julia at Joshua.

Tapos na rin kasi ang era ng matagalang loveteams, huh!

Donita Nose at Super Tekla mas magkaibigan

Kagaya rin ng ilang kilalang comic tandem sina Donita Nose at Super Tekla na nagkakaroon ng arguments bago simulan ang isang show.

Pero kapag show time na eh, nareresolbahan naman nila ang kanilang conflicts at lumalabas sila sa stage nang parang walang gulong nangyari sa kanila.

Magsasamang muli sina Donita at Tekla sa Cagayan de Oro City leg ng The Sweetheart and the Baladeer na pinangungunahan nina Christian Bautista at Julie Anne San Jose sa July 6 sa The Atrium, Limketkai Center, CDO.

Pero kung may nabuo nang friendship sa dalawang komedyante, trabaho lang ang relasyon ni Tekla kay Boobay na kasama niya sa The Boobay and Tekla Show.

Bukod sa TV shows at shows, natapos na rin ni Tekla ang launching movie niyang Kiko En Lala. Teka, totoo bang may problema sa movie kaya wala pa itong playdate?

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with