^

Pang Movies

Christian sanay nang maghubad sa concert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Christian sanay nang maghubad sa concert
Christian Bautista

Ideya pala ni director Paolo Valenciano ang paghuhubad ni Christian Bautista sa first leg ng The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only na ginawa sa Iloilo City last January. Malaki ang posibilidad na gawin uli ‘yun ni Christian sa second leg ng kaparehong concert sa The Atrium, Limketkai Center, Lapasan, Cagayan de Oro sa July 6.

Sabi ni Christian, na-dare siya ni direk Paolo to take off his shirt, kaya nag-perform siyang naka-sando. Bagay naman sa Freddie Mercury production dahil si Freddie Mercury, noong buhay pa, nagpi-perform na naka-sando lang.

Walang masabing magic sina Christian at Julie Anne San Jose kung bakit sila nagki-klik na dalawa. Ginagawa lang nila ang sinasabi ng kanilang director at kung ano ang nasa script. Ang mga kasamang sina Donita Rose at Super Tekla na ang nagsabing may magic ang dalawa bilang audience.

Kapag nasa stage na raw sina Christian at Julie, lumalabas na ang magic at magtinginan lang sila, alam na ang gagawin. But of course, kahit ilang beses nang nagkasama sa concert, may rehearsal pa rin sila at nabanggit ni Christian sa presscon na nag-meeting na sila para sa repertoire at susunod na siguro ang rehearsal kasama si Kyline Alcantara bilang guest nila.

Sa presscon, ibinalita ni Christian na may ire-release siyang single at kasunod nito magre-release siya ng bagong album under Universal Records.

Kisses at Donny nagkakagulo

Kontra si Kisses Delavin sa plano ng fans nila ni Donny Pangilinan na mag-assemble sa harap ng ABS-CBN sa June 26 para i-apela na ipagpatuloy ang love team nila ni Donny Pangilinan.

Ang linaw ng sinabi ni Kisses sa ilang bahagi ng kanyang statement na wala na ang DonKiss love team at hindi siya pabor na mag-apela pa sa ABS-CBN.

Walang binigay na rason kung bakit pinutol na ng Kapamilya ang tambalan nina Donny at Kisses, pero sa isang tweet, may nabanggit ang dad ni Donny  kung bakit sabi nga ng mga millennial, “cancelled” na ang DonKiss love team.“We’ve been 100% wirt DonKiss. As Donny shared in last meet, the current direction for both by SM mgmt is due to different expectations of the 2 parties from the LT. Not 1 being right or wrong, just different. If we choose to, we can hope and pray for our desired future.”

Reaction ng fans sa pahayag ni Anthony, malalim, sana raw sinabi na lang na hindi magkasundo ang dalawa at ang kampo nila.

vuukle comment

CHRISTIAN BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with