^

Pang Movies

Kisses tinapos ang relasyon kay Donny!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kisses tinapos ang relasyon kay Donny!
Kisses Delavin

Maraming fans ng DonKiss ng tambalan nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin ang nalungkot nang i-announce ng ex-PBB: Lucky 7’s 2nd Big Winner-turned actress, recording star and concert artist sa kanyang Instagram account na tapos na ang tambalan nila ng binata ng mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa-Pangilinan.

Actually, hindi lamang ang mga DonKiss fans ang nabigla kung hindi maging ang parents mismo ni Donny.

Kung matatandaan pa, bago ang DonKiss ay nabuo rin ang tambalan nina Kisses at ang Fil-Italian at dating kasamahan ni Kisses sa loob ng PBB house na si Marco Gallo at nakagawa pa ng pelikula ang dalawa (along with Maymay Entrata at Edward Barber), ang Loving In Tandem. Pero pagkatapos maipalabas ang pelikula ay nagdeklara rin si Kisses na tapos ang tambalan nila ni Marco.

Sina Kisses at Donny ay nagsama sa teen movie na Walwal na dinirek ni Joey Javier Reyes under Regal Films.

Hindi pa man nagbibigay sina Kisses at Donny ng tunay na dahilan ng maagang pagkabuwag ng kanilang loveteam, tiyak na personal ang dahilan.

Sayang naman!

Issa at dyowang ka-same sex, tanggap ng pamilya

It was sometime in November last year nang mag-out sa publiko ang magkarelasyong Issa Pressman (sister of actress-dancer Yassi Pressman) at ang singer na si Marga Bermudez.

Sa simula ay marami ang nagulat pero marami rin ang humanga sa dalawa sa kanilang pagiging honest sa kanilang tunay na nararamdaman para sa isa’t isa.

Bakit nga naman nila papansinin ang sasabihing hindi maganda sa kanila ng ibang tao kung silang dalawa naman ang mas nakakakilala  at nakakaalam what is best for the two of them at ang kasiyahang kanilang nararamdaman para sa isa’t isa.

Tanggap na ng kanilang respective families and friends ang same sex relationship nina Issa at Marga.

vuukle comment

KISSES DELAVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with