^

Pang Movies

Bagong Bb. Pilipinas-International, 100 pages ang binabasa araw-araw

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bagong Bb. Pilipinas-International, 100 pages ang binabasa araw-araw
Bea Patricia Magtanong

Beauty and brains nga ang meron sa newly crowned Bb. Pilipinas-International 2019 na si Bea Patricia “Patch” Magtanong dahil malapit na nga siyang maging isang abogado. Kabilang si Patch sa 1,800 examinees na pumasa sa bar exam noong nakaraang May 3, 2019.

Noong nakaraang June 14, one week pagkatapos siyang makoronahan bilang Bb. Pilipinas-International, nag-lawyer’s oath na si Patch sa UP College of Law.

Lalong bumilib ang maraming netizens kay Patch dahil sa gitna ng pag-aaral niya para sa bar exam ay napagsasabay niya ang training para sa Bb. Pilipinas Pageant.

Sa kanyang Instagram Story, kinuwento ni Patch na kahit puyat siya sa pag-aaral at training, kailangan pa rin niya ng 8 hours sleep.

Pinakita rin ng 24-year old beauty queen from Bataan ang kanyang nakakalulang schedule mula Monday hanggang Saturday simula noong mag-bar exam review siya noong July 2018.

“I read 100 pages a day more or less, depending on the density of the material. I took down notes during second read which was really helpful cause it had everything i needed to memorize during preweek.”

Selena Gomez binura na ang huling alaala ni Justin Bieber

Sa muling pagiging aktibo ni Selena Gomez sa social media, ang unang ginawa nito ay ang tsugiin na ang memories ng kanyang ex-boyfriend na si Justin Bieber.

Nagawa na ngang i-delete ni Selena ang nag-iisang photo na kasama niya si Justin na kuha pa noong 2018 during his birthday.

May caption pa ito na “March 1, 1994 someone I know that happens to be super cool was born. Boom.”

Matagal nang inalis ni Selena ang ibang photos nila ni Justin sa kanyang IG. Pero na-miss out niya ang isang ito kaya panahon nang i-delete na rin niya ang last photo with Justin.

Balik sa pagiging busy si Selena promoting her new fashion line, new music at ang new movie titled The Dead Don’t Die.

Kelan lang ay isa si Selena sa naglakad sa red carpet ng Cannes International Film Festival.

vuukle comment

BEA PATRICIA MAGTANONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with